Chapter 32

28.5K 793 185
                                    

 Aegyo's Note: I suggest you listen to Dark Paradise by Lana Del Rey while reading. AND NO SPOILER IN THE COMMENTS PLEASE! :)

Bakit kailangan maranasan ni Richelle ang lahat ng ito?

Mga chismosa, bullies, stalkers, mga manyakis at rapists, at mamamatay-tao. Ngayon, biktima na rin siya ng mga kidnappers!

Bakit ang malas niya? Ano bang kasalanan niya? Bakit siya?

Halos isang oras na nagpasikot-sikot muna ang sinasakyan nila hanggang sa makarating sila sa isang private lot. Lubog na ang araw, piniringan pa ang mga mata ni Richelle bago sila bumaba ng sasakyan.

Makikilala na raw niya ang boss na tinutukoy ng mga kumidnap sa kanya. Ang tanong, sino kaya ito? At anong kailangan nito kay Richelle?

= = = = =

Samantala, malaking tulong naman ang pagpasok ni Doctor Greg sa eksena. Sa mga nalalaman nito at pagkumbinsi kay Shane na magsabi na ng totoo, mas naging malinaw na rin sa wakas ang lahat para kay Detective Dante. Kilala at sigurado na siya kung sino talaga ang tunay na Triple-face Killer.

Maglalabas na sana siya report upang sabihin na na resolba na ang kaso… ngunit isang masamang balita ang bumungad sa kanila nang dumating si Rey. “Sir Dante… may emergency po tayo…”

“Bakit? Anong nangyari?”

“Si… si Carlo po… natakasan po niya yung mga nagbabantay sa kanya…”

“ANO?” Sabay na naibulalas ito Shane at ng detective.

Ngunit may mas ilalala pa pala ang balita ni Rey. “At si Richelle Ariano po. May kumidnap po sa kanya.”

Halos nagwala na si Shane sa pwesto niya. “Pakawalan niyo ako! Tanggalin niyo na ‘tong posas ko! Kailangan ako ni Iche! Nasa panganib siya! Kailangan ako ni Iche!”

“Huminahon ka.”

“Hindi pa natin alam kung saan siya dinala.”

“ANO BANG GINAGAWA NIYONG MGA PULIS! BAKIT HINDI NIYO SIYA BINABANTAYAN NG MAIGI! KAPAG MAY NANGYARING MASAMA SA KANYA… KAPAG MAY NANGYARING MASAMA…” Dahil sa pagpapanic ni Shane, nakadadagdag din ito sa tensyon ngayon ni Detective Dante.

‘Sino na namang may pakana nito?’ Tanong niya sa sarili dahil kung kailan akala niyang tapos na ang lahat, saka may panibago na namang problema.

Lumayo muna sila sandali kay Shane at ipinaubaya sa Doctor Greg ang pagpapakalma rito.

“Rey, paanong may kumidnap kay Richelle? Diba may mga pulis naman tayong pinagbantay doon?”

Psycho's Love Interest ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon