This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or are used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Copyright © rosensible, 2014
-----
"Pervert!" I slapped Hunter hard on his face. "Ang kapal naman ng mukha mo! Manyak ka talaga!" pinunasan ko ng madiin ang labi ko.
Hinawakan niya ang pisngi niya na tinamaan ng palad ko. Mas lalo akong nainis noong tumingin siya sa akin at ngumisi.
Antipatiko.
"That's your first kiss, right? Don't worry, I'll take responsibility of it," kalmado at maangas niyang sabi.
Tangina! Ano bang problema niya?! Naiiyak na ako sa sobrang inis dito.
Lumabas lang ako sa classroom namin para mag-cr. Walang tao sa hallway. Nagulat na lang ako nang may biglang humila sa akin papasok sa isang bakanteng classroom.
Nagulat ako ng nakita kong si Hunter pala ang humila sa akin. Tatanungin ko dapat siya kung bakit niya ako hinila. But I didn't get a chance to talk because...
He kissed me.
It was just a swift kiss, it didn't even last for 3 seconds. Pero sapat na ang oras na yun para magwala ako ng sobra. Mabuti na lang at naitulak ko siya agad.
"What the hell are you saying?! At anong karapatan mo para halikan ako?! That was my first!" naiinis kong sabi sa kanya. Like I said, that was my first kiss. I've never had a boyfriend before. Hindi ko pa nararanasan ang mainlove eh. Tapos, eto siya, bigla-bigla na lang akong hahalikan!
"I know. Kaya nga paninindigan ko yan."
"Anong paninindigan?! Hinalikan mo lang ako, di mo ko nabuntis!"
"Oooh, so do you want me to impregnate you, then? I'm willing to do that. Just tell me." He winked at me. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Aba'y siraulo pala talaga 'to eh.
"Alam mo, ang manyak mo! Bakit mo ba ko hinalikan?! Nakakagago ka eh."
"You want to know why?" he said while wearing that devilish grin. Bakit ba ganito ang mga ngiti niya? Nakakakilabot. Parang walang gagawing mabuti. Hindi ko siya sinagot at hinintay ko lang ang susunod niyang sasabihin.