Nandito na ako sa kwarto ko habang hawak-hawak ko pa rin 'yung card na nakalagay doon sa bouquet. May nakasulat dun sa likod ng card.
Goodnight, my princess.
Hope you like it.
Kinuha ko ang bouquet sa table ko. Tulips. My favorite. Alam niya kayang favorite ko talaga ang tulips? Nah. Marami namang tao ang may gusto ng tulips.
Biglang bumukas ang kwarto ko at pumasok si kuya.
"Oh. Wag kang masyadong kiligin dyan," pang-aasar niya sa akin.
"Che! Bakit nandito ka na naman?" tanong ko sa kanya. Pumunta lang yata siya dito para mang-asar eh.
"Wala lang. Itatanong ko lang kung kanino galing yan."
"Aaah."
"Anong 'aaah'? Di mo naman sinagot 'yung tanong ko."
"Nagtanong ka ba?" sabi niya kasi, 'itatanong ko lang kung kanino galing yan.' Pero hindi talaga siya nag-tanong. Gets niyo? Hahaha! Sorry, nababaliw na ako.
"Oo. Tinanong kita kung kanino galing yan."
"Hindi kaya. Sabi mo, 'itatanong.' So, hindi mo pa tinanong. Kasi itatanong mo pa lang." Kumunot naman ang noo ni kuya tapos bigla niya akong binatukan. Ano bang klaseng kapatid to? Mapanakit masyado.
"Ginagago mo ba ko?"
"Hahahaha. Joke lang, kuya. Itanong mo na." Inirapan naman ako ni kuya. So gay.
"Ang arte mo. O sige. Kanino ba galing 'yang flowers na yan?" tanong ni kuya sa akin.
"Hahaha!" Tumawa ako kaya binatukan niya na naman ako.
"Anong tinatawa-tawa mo?! Eh niloloko mo pala talaga ako eh. Lagot ka sa akin." Tapos sinimulan na niya akong kilitin.
Ah, shit! Ang lakas pa naman ng kiliti ko!
"Waaah! Kuya, tama na! Hahahahaha!" Pero ayaw pa rin niyang tumigil.