Chapter 2

14 0 0
                                    

"Hoy! Ano bang problema mo? Kanina ka pa tulala dyan! Tignan mo nga, di mo pa ginagalaw ang pagkain mo!" sigaw sa akin ni Timmy.

I sighed. How will I explain it to him?

Nakita kong nanliit ang mata niya at tinignan ako habang nakataas ang kilay.

"C'mon, girl. Spill it." He really knows kung may itinatago ako o wala.

"He kissed me," I blurted out.

"Who?"

"Hunter."

"Huwaaaaaaat?!" ganyang-ganyan ang pagkakasabi niya. Talk about being exaggerated.

At kwinento ko na sa kanya ang mga nangyari. From the day na una akong hinalikan ni Hunter at sinabing he wants me hanggang sa pangyayari kanina. Laglag-panga naman si bakla noong natapos ako.

"Hot," sabi ni bakla pagkatapos niyang makarecover sa mga revelations ko sa kanya.

"Anong hot dun?"

"Si Fafa Hunter. Yung mga kissing scenes niyo. Hot."

"Ay, ewan ko sa'yo. Kumain ka na nga lang."

"Naniniwala ka ba sa kanya?"

"Na ano? Na gusto niya ako? Not really. Feeling ko trip niya lang 'yun." Medyo hindi kasi kapani-paniwala na magugustuhan niya ako. I don't see anything special about myself.

"Well, for me, I think he really likes you."

"Paano mo naman nasabi?"

"I don't know. Gut feel siguro. I think he's serious about you. Kasi di ba, kung gusto niya lang talagang mantrip, bakit ikaw ang pinili niya?" Napaisip din ako sa sinabi ni Timmy. Gusto niya nga ba talaga ako? Pero ang sabi niya, he wants me. He didn't say that he likes me. Magkaiba 'yun, right?

"You know what, nevermind. Kain na lang tayo. Magtatime na eh," sabi ko just to end the conversation. Baka gumulo lang lalo ang utak ko.

We head back to our class after the break. Pagkadating namin, unang nakita ng mata ko ay si Hunter. Not because siya agad ang hinanap ko, pero dahil siya pa lang ang tao sa room. Akala niyo ah! Wag kayong assuming!

10 KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon