Magtagalog na lang ako. Kakahiya naman sa mga nagrereklamo. Tinatamad akong mag-english. Next time, english na lang. ;)
I am also not fond seeing Cloak Dagger speaking in Tagalog. It creeps me out but anyways, here's the super mean chapter between me and my professor.
***
2. MEAN STUDENT DURING MATHEMATICS
Ito yung subject na gusto ko. Pero hindi ko lolokohin ang sarili ko na ito yung pinakapaborito ko. Let say na pangalawa lang, mga lamang lang ng 0.2 percent ang science. Since Mathematics ang title ng chapter na 'to, s'yempre about sa math.
Magsisimula ako sa pagtuturo ng differential equation, integral calculus, vedic math at syempre ang walang kamatayanh algebra. Pero s'yemperds joke lang lahat ng ito. Nakakaumay magturo sa wattpad ng mga technique sa pagsosolve ng mabilisan at sa pagsosolve ng numbers mentally. Hay, bahala kayo. Problema n'yo 'yan..
Pagkapasok ko ng room ko sa Math. Bored na bored akong pumunta sa designated seat ko. Wala eh, nakakatamad at napuyat talaga ako kakapanood ng p*rn. Hindi ako santo para hindi gumawa at manood ng mga ganoong bagay. Hehe! Pero joke lang ang porn, may pinanood talaga ako, mga series at movies.
Lahat nakatingin sa akin noong nakaupo na ako. Dala ng antok, hindi ko napansin na ako pala ang kahuli-hulihang dumating.
Late!
Late pala ako ng lagay na 'yon. Nag-angat ako ng tingin habang nakadekwatro ang mga paa ko, kaagad kong nakita ang professor ko na nanlilisik ang mata.
Hindi ko ba nasasabi sa inyo na third day palang ng klase? Oo, third day. Third day pa lang at late na ako. Ang saya diba?
Hindi ko na lang silang pinansin, aba! Ang lalakas naman nila kung tatapunan ko sila ng mamaalin kong tingin. Pare-pareho lang kaming nagbabayad ng tuition, pare-pareho lang kaming kumakain ng kanin at umiinom ng tubig at pare-pareho kaming humihinga. Tsaka masyado talaga akong gwapo para pagtuunan sila ng pansin.
Bigla naman akong kinalabit sa brasp ng katabi kong babae, ang pangalan n'ya ay Molly. Yeah, s'ya yung nakipagkilala sa akin since suplado ako. Hahaha! Suplado kuno.
"Oh?" bored na sagot ko sa kan'ya. Nakita ko naman na bumukas yung bibig n'ya at nakita ko ang mga braces n'ya na kulay pink.
"Lagot ka *insert name here*. Lahat daw ng late ay magsosolve sa board.." with matching hand gestures pa ang pagsabi n'ya.
"Sino sino ba ang late?" tanong ko. Bigla naman s'yang ngumiti dahilan upang makita ko ang mga dimples n'ya.
"Ikaw lang hihihi!" gan'yan s'ya tumawa. Minsan nakakairita talaga yung mga gan'yang tawa, mga pa-virgin.
Nanatili akong kalmado sa upuan ko. Hindi naman ako natatakot na matawag o magsolve ng napakaraming equations. Hindi naman ako kagaya ng iba na kapag tinawag ay kakabahan ng matindi.
"So Mr.." pagbanggit ng professor ko sabay tingin sa akin. Nagsalita naman ako sabay sabing, "Mr. Dagger.."
A'N Kunwari si Cloak Dagger talaga haha! Alangan naman sabihin ko true name ko? Edi nalaman n'yo? Haha
"Mr. Dagger, since you are late. Kindly solve this problem right here.." hindi man lang ako natakot sa pinapagawa n'ya. Tumayo lang ako sa upuan ko, bago pa ako makarating sa board ay nakita ko na ang mga kaklase ko na sinusundan ako ng tingin, as in bawat hakbang ko ay nakamasid sila. Tinawag pa ako ni Molly, "Good luck haha!" lumingon naman ako sa kan'ya at kinindatan ko s'ya. Bigla naman s'yang namula. LoL Lakas makapag-transform sa kamatis.
Inabot sa akin ni professor x ang white board marker. Sinimulan ko ng sagutan ng walang kahirap hirap.
Wala pa atang one minute noong natapos ko na ang problem na pinapasagot n'ya.
I-shorcut ko ba naman?
Cool akong naglakad papuntang upuan ko ng biglang tawagin ni Prof x ang pangalan ko, "Mr. Dagger.." may pagbabanta sa boses n'ya.
"Yeah?" sagot ko sa kan'ya. Nakipagsukatan s'ya ng tingin sa akin.
Galit. Galit ang nakikita ko sa kan'ya. Tila naiinis ata s'ya sa akin. He has hots for me? Haha. Kidd!
"Your answer is wrong." madiin na sabi n'ya. Halos nagpintig ang tainga ko noong sinabi n'ya na mali raw ang sagot ko. Kaya naman buong galang kong sinagot s'ya.
"My answer is right." madiin ko ding sabi. Sabi ng english professor ko dati, ay huwag daw gagamit ng po at opo kapag nag-eenglish.
"No. Since when did I teach you that formula of yours?" he pointed out my answer on the board.
"I've used my own way to solve that problem but it doesn't mean that my answer is wrong Mr. Professor.." he clenched his jaw. Pero kalmado lang ako.
"But still, wrong." pagpipilit n'ya. Kinuha ko ang bag ko at isinakbit ko sa balikat ko, "If that's what you say, I think..we must consult the dean of this college. Shall we?" I smirked.
*****
Throws dagger with white board marker!
-Mr. Dagger
BINABASA MO ANG
THE MEAN BOY
Teen FictionI don't want stupid people interfere with me. LOLS Yeah, I'm mean. paki ko ba?