CHAPTER 4

162 6 3
                                    

Sharlie's pov

This is the day...

Natapos na lahat ng klase ko, 4 pm na at may 2 hours pa ako para maghanda sa try out mamaya. Hindi ko alam pero kinakabahan ako..haynaku parang first time kong sasali dahil hindi ako mapakali.

Parang hindi ko nakikita si Nixon. Wag kayo magassume na gusto ko sya makita sadyang may gusto lng ako itanong sa kanya. Tanda nyo ba yong babaeng basketball player na Chinese dahil sobrang singkit ng mata? Baka kapatid ni Nixon e..medyo hawig sila.

Nasa labas na ako ng school pero ni anino ni Nixon hindi ko makita, nang makita ko si Nixon, may kausap sya siguro kaklase nya. Dali dali akong tumakbo at tinawag pangalan nya
"Nixon!"

"sharlie..." napatigil ako. Ang boses nya...

Unti unti akong napaharap sa kanya, pinipigilang maluha.

"Justin.." buong lakas kong sabi
Tinitingnan ko siya na para bang hindi ko sya kilala. Hindi pwedeng makita nyang nasasaktan ako.

Unti unti syang lumalakad papunta sakin. Parang gustong bumagsak ng mga tuhod ko pero hindi pwede.. Wag mong ipakitang mahina ka Sharlie

*Flashback*

2nd day na nong nasa resort ako, bukas babalik na kami sa manila, mga hapon, nagswiswimming na yong iba, ako nasa duyan nakaupo, iniisip pa rin Kung saan ako nagkulang, Kung san ba ako nagkamali, Kung anong ikinagalit nya sakin.

"sis, kain tayo" Sabay bigay sakin ng mga chips. Ngumiti lang ako. "sayo na lang" napasigh sya
"Kung anong problema nyo dalawa, tandaan mong everything happens for a reason"

*evening @6pm*

Nagpreprepare na for dinner Sila mommy, ako nasa labas pa rin, nakatingin sa papalubog na araw, nakaupo na ako sa sand at makaharap sa dagat, nakatingin sa mga ulap at palubog ng araw.

Ano bang problema mo Justin? Wala naman akong ginawa sayo para magalit ka sakin, para layuan mo ako. Gulong Gulo na ako sh*t! Hinawakan ko ang buhok ko at ginulo ito. Mababaliw na ako kakaisip kung anong problema nya!

"anak."
"ma..." umupo si mama katabi ko.
"where's Justin? Nag away ba kayo? Hindi Ko kayo nakikitang magkasama ah." anong sasabihin ko?
"I don't know. Busy I think?" ngumiti lang sya at tumingin sa papalubog na araw.

"bukas, pagkauwi natin, diretso airport na kami para sa flight namin pabalik ng America, if you want to come with us, Sabihin mo lang saakin, tutal bakasyon na rin" ngumiti ako
"thanks mom pero ayaw ko, magstastay na lang ako dito, nandito naman Sila Aryana, Jeric at Natasha kaya ok lang ako dito"
"are you sure?"
"yes ma'am" then kiniss nya ako sa noo
"OK, let's go, dinner time na" tumayo sya at pinagpag yong sand na nasa shorts nya at nilahad ang kamay sakin, ngumiti ako at inabot ang kamay nya.

Habang nasa mahaba kaming mesa para kumain ng sabay sabay lalo na yong ibang relatives namin nandito, grabe ang tawanan, hiyawan, at asaran. Tahimik lang ako kumain hanggang nasa akin napunta ang atensyon

"asan si Justin?" tanong ng isa kong tita
"wla po." sabay ngiti ko
"miss mo na nu?" ngumiti lang ako. Tuloy tuloy lang ang asaran nila habang ako wla sa mood

Natapos ang dinner namin, may kanya Kanya na kaming ginagawa, napunta ulet ako sa may seashore. Ang lungkot ko, oo grumaduate nga ako, ito naman naging kapalit.

"Sharlie" parang tumigil hininga ko pagkarinig ko ng boses nya

*End of flashback*

Ngayon nasa harap ko na sya, ngayon ko lang sya nakaharap ng ganito kalapit pagkatapos ng nangyare.

BASKETBALL 2 (PAST VS PRESENT) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon