CHAPTER 5

232 7 7
                                    

Sharlie's pov

Hindi ako makagalaw sa upuan ko,feeling ko katapusan ko na. Samantalang si Nixon chill and hanep sarap nyang sakalin!!!

Bumaba sya ng sasakyan habang ako nanatiling nakaupo, at Hindi makagalaw.
Binuksan nya ang pinto ng sasakyan sa side ko sabay yuko para makita ang mukha ko sa loob ng sasakyan at pinipigilan matawa.

Lumabas ako ng sasakyan na nakitingin sa kanya ng masama sabay tulak sa kanya na ikinabigla nya.

"anong problema mo?!"
" peste ka!" Pinagsusuntok suntok ko sya sa braso kahit alam kong ako lng naman ang nasasaktan hanggang sa napagod na ako.
"tapos ka na?" pokerface nyang sabi.
"hanep kang lalake ka! Papatayin mo ba ako? Ang sa-hhhmmmm..." nagulat ako ng tinakpan nya bibig ko at nagtago kami sa may madilim na parte sa may puno.

Nanatili pa rin itong nakatakip sa bibig ko habang ako naman sinusubukan alisin ito.
Teka...
Hindi kaya....
Hindi kaya may pagnanasa sakin si Nixon???

Oh no... Bata pa ako 0______0

Sinusubukan ko pa rin tanggalin ang pagtakip sa bibig ko ng makarinig kami ng yapak na malapit samin.

"sshhh" bulong ni Nixon. Napatigil ako. Anong meron?
Nagpatuloy pa rin ang mga yapak na narinig ko hanggang sa ramdam namin na malapit ito sa kinaroroonan namin. Pinipigilan kong gumawa ng kahit anong tunog upang hindi kami mahuli hanggang sa tumigil ito sa paglalakad na saktong malapit sa kinaroroonan namin.

"asan sila? Kanina lang nakasunod tayo ah!"
"nandito lang sila kung saan. Nandito pa ang kotse na gamit nila."
"tara hanapin natin!" sabay lakad nito palayo. Pigil hininga ang ginawa ko Hindi lng kami mahuli. Sino hinahanap nila? Kami ba? wala naman akong naging kaaway. Hindi kaya si Nixon? Myembro ng sindikato o kaya may utang tapos hindi binabayaran? Napatingin ako kay Nixon na parang seryoso at ang daming iniisip. Hindi kaya naghihirap sya Kaya nagkautang sya? Pero imposibleng mahirap ito! Naging medicine student nga! Mahal kaya tuition Don! Hay nako sharlie..kung ano ano iniisip mo

Nagtagal kami ng ilang minuto para masigurado na wla na yong mga lalake at lumabas na kami sa pinagtataguan namin. Nakahinga ako ng maluwag!

Napatingin ako kay Nixon na seryoso pa rin at parang ang lalim ng iniisip.

"Nixon" napatingin sya sakin "sino Yong mga yon? Kilala mo ba yong mga taong yon? May nakaaway ka ba? Tayo ba sinusundan nila?"

Matagal nya akong tiningnan hanggang sa ngumiti syang pilyo, parang bumalik sya sa mood nya kanina.

"hindi, hayaan mo na ang mga yon, may sarili silang buhay na dapat hindi pakielaman" sabay ngiti nya at tinulak ako para maglakad, parang hawak nya dalawang balikat ko sa likod na parang pinupush nya ako para maglakad.

Weird.

"san ba tayo pupunta?" nagtataka kong sabi.

"basta"

"wag mo akong iiwan ah? Kahit anong mangyari" natatakot ako e, baka bumalik yong mga lalake. Kahit Kailan talaga ang weak ko.

Tumigil kami maglakad at ginulo nya buhok ko sabay ngiti "hindi kita iiwan, baliw!" nakahinga ako ng maluwag don..

Justin.

Bkt bigla na lang syang pumapasok sa isip ko?

Napatingin ako sa Side ko.. Si Justin?! Tumingin ulet ako, wla naman tao. Naghahallucinate siguro ako. Miss ko na sya.

"sharlie?" sabay wave ng kamay nya sa mukha ko. Bumalik ako sa realidad, wla si Justin, si Nixon kasama mo hindi sya sharlie hayaan mo muna sya.

"ok ka lng? May sinabi ba akong mali? Bakit natahimik Ka? Gusto mo balik na tayong School?"
"nope. OK lng ako, san ba tayo pupunta?"
"look!" pagtinin ko sa harap di kalayuan, carnival? Yes! Bigla akong naexcite!
"are you ready?" tanong nya.
"game!" sabay hatak ko sa kanya papuntang entrance

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BASKETBALL 2 (PAST VS PRESENT) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon