Three

335 7 0
                                    

Aquira's:

"Porsche sana naman pahalagahan mo yung kaibigan ko" Pakiusap ko kay Porsche

"Mahal na mahal ka nun eh" dagdag ko pa

"Mahal ko naman siya ano ka ba naman Aquira" sagot niya

"Pero sana naman bigyan mo siya ng lambing mo.. ng Oras mo.." Hay naaawa ako sa bestfriend ko..

sasagot pa sana si Porsche nang biglang dumating na si Zanj.. tumayo si Porsche at tinulungan si Zanj sa mga dala niya

**

Zanj's:

Tumayo si Porsche at tinulungan ako sa trays

"Thanks"

"Kumakain ka ba ng tama? nangayayat ka ah" tanong ko kay Porsche. Isang linggo ko siyang di nakita dahil busy siya lagi.

"Pumayat ba ko? Kumakain ako kaso nasi-skip ko ang meals ko" sagot niya naman.

"Kahit na pagod ka dapat kumakain ka ng tama" 

"Oo naman.." Kahit kelan talaga seryoso neto sumagot.

Kumain nalang kami habang pansin ko naman na umiiling iling si Aqui at ngumiti naman ng pilit saken si Ringe. Problema netong mga to?

><><><><><><><><><><

Natapos ang breaktime at inihatid ako ng boyfriend ko sa room ko. At eto nanaman ang mga babae heart nanaman ang mata dahil sa boyfriend ko. Madami nanamang nagpapantasya na sana sakanila nalang si Porsche. jusme naman.

"So Babe dito nalang kita ihahatid ah." WOW NAMISS KONG TAWAGIN NIYA KO NG BABY

Napasmile ako sa kilig "Salamat ha." at kiniss ko na siya sa pisngi pero seryoso lang muka niya sa totoo lang laging seryoso muka niyan. 

Pumasok na ko ng room. Nagrole-playing lang kami at nagshoot for the project. Andami ko nanamang pictures na kinuhaan ni Jamie, yung baklang photographer ng klase namin.

"Tag ko nalang sayo girl sa fb huh"

"sure!" nginitian ko nalang siya.

natapos ang klase na to ng nakakapagod. Di na ko nakapagpalit ng damit dahil uwian naden naman.

nagring ang phone ko at tumatawag pala ang boyfriend ko.

"Babe!"

"Hey. Sunduin kita. Sabay na tayong umuwi."

"Okay"

at inend call niya na..

Maya maya pa'y dumating na ang kotse ni Porsche. Toyota Ft-86 ganda talaga netong car niya! sumakay na ko at as usual pinagtitinginan nanaman kami.

"Swerte niya talaga kay Porsche"

"Eh swerte den naman si Porsche sakanya noh"

"sabagay.."

"Siguro nagsex na yang dalawa na yan kasi parang malaya sila gawin kahit ano"

"Oo tsaka girls makakapatiis ba si Papa Porsche eh aminin naman naten na malusog yung hinaharap niyan ni Zanj"

"Laki pa ng pwet niya"

"At flat tummy"

"hot niya pa sumayaw"

ilan lang yan sa mga bulung bulungan mapa babae o lalake.

Nagulat naman ako nang biglang bumaba si Porsche ng kotse niya nang may halong gigil sa muka. Lumapit siya sa grupo ng mga babae at lalake na pinaguusapan kami kanina

"hey!" sigaw niya sa lalake sabay sapak dito

"TANGINA! ANO BANG PROBLEMA MO PRE" Aba mukang lalaban pa ang isang to

"TIGILAN NIYO SYOTA KO! WAG NA WAG NIYO SIYANG PAGUUSAPAN!" Sabay lingon ni Porsche sa grupo ng mga babae

"AT LALONG LALO NA WAG NIYONG PAGPAPANTASYAHAN" At sinuntok niya ang tatlong lalakeng nagkewkentuhan kanina. At ayun bagsak ang tatlo

"babe bat mo naman ginawa yon?" tanong ko

"eh pinapagpyestahan ka eh!!"

"tignan mo may pasa ka tuloy.. Daan muna tayo sa bahay niyo gagamutin ko yan"

"tara na" Inakay ako ni Porsche sa bewang at sumakay na kami ng sasakyan niya.

Ang Jowa kong SupladitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon