Zanj's:
Nandito na kami ni Porsche sa sasakyan. Ang tahimik nanaman niya at kunot ang noo.
"Huyy!! Babe!!" kumaway kaway ako sa harap mismo ng muka niya
"Tsk! Ano ba! Zanj nagdadrive ako please" hinawi niya ang kamay ko at diretso padin ang tingin sa kalsada at kunot ang noo
"Eh kasi naman eh. Kunot nanaman noo mo."
"Eh ano gusto mo ngumise ako dito? humagalpak ng tawa kasi minamanyak ka nila. Ano gusto mo samahan ko pa sila dun at magsaya ako?" Grabe naman!! di naman eh.. sungit neto.
"Di naman babe. Eh kasi naman eh seryoso ka lagi. Dumoble pa nga pagaseryoso mo nung naging senior ka na."
"Syempre. Kailangan ko to para makapasa sa college." sagot niya. 'Tamo! hay nako napakaseryoso ng convo namin
"Ahh. Ganyan ba talaga pag seinor na? kamusta naman?" WOW para lang akong nanay na nagtatanong sa anak. Ayos!
"Okay naman. Mahirap pero pinagbubutihan ko."
"Good. Umm nga pala babe di na tayo nakaka-- AHHH!!" *BEEP BEEP!* woooh! grabe di ko natuloy sasabihin ko pano biglang may sumulpot na motor. Papasok na kasi kami sa Empire Heights Subd, kung saan kami nakatira ni Porsche. Actually madami nga kaming mga students sa school na dito nakatira. Ewan ko ba malaki den kasi tong subdivision na ito.
"PUTANGINA TALAGA OH MUNTIK NA" Napahampas si Porsche sa manubela niya at tinuloy ang pagdrive.
Di na tayo nakakapag-bonding yan dapat ang sasabihin ko kay Porsche pero naudlot. Hayy nako naman.
||||| ||| || |||||
Nandito na kami sa salas nila Porsche.
"Wala sila mommy ngayon. Tayo lang pala nandito" OHH alam ko na iniisip niyo! na magaka sweet scene kami ni Porsche ko dito.hehehehe SANA.
"Ahh ganon ba.. Upo ka muna kukuhain ko first aid kit mo"
"Sige"
Pumunta ko sa kwarto ni Porsche at kinuha ang box ng first aid kit na binili ko dati. Pano ba naman lagi siyang naaaksidente dati dahil sa pagmomotor niya. Kaya nga pinagkotse nalang siya ng parents niya.
Bumaba na ko at binuksan ang box pagkaharap ko sakanya.
"Ohh Babe halos wala na tong laman ah. At bat ka naman may band-aid na may ribbon print dito? pfft." Ano ba yan. hahahahahaha bakla ba siya. Joke. lalake yang boyfriend ko noh.
"Ay ano kay Jaymie yan. Naiwan niya dito nung nahiwa siya" Ewan ko pero parang sumikip dibdib ko. Ibig sabihin pumunta ditto si Jaymie.. Ha ha ha ang sakit ah. Maliit na bagay lang naman yun pero.. nakakaselos sobra.
"Ahh ganon ba.. haha sige gagamutin na kita." Mali to.. mali yung maging selosa ako. Baka magalit siya saken kasi mababaw ako. Di dapat. Mature na ko. Dapat alam ko nang ihandle ang mga ganitong bagay. kahit masakit..
Nasa kalagitnaan ako ng paglagay ng yelo sa muka niya nang may tumawag sakanya
"Jaymie! Ohh? Ganon ba? sige pupunta ko dyan" Aalis siya?
"Aalis ka?" tanong ko sakanya
"Oo eh. May problema daw sa group presentation namin" Magaling den naman yung iba nilang kagroupmates ah. Ba't kailangan siya pa?
"Huh? Eh ba't ikaw pa? Nandyan naman sila Marco ah." Ano ba yan pupunta siya kela Jaymie?!
"Ako lang kasi yung masipag. Di yun gagawin nila Marco nasa chicks niya nanaman yun."