Chapter Two
Pagmulat ko ng mata, nasa ibang lugar na ako. Nasa magandang lugar. Nilibot ko yung mata ko. Ah. Nasa isang silid ako. Napakagandang silid.
Puno ng mga bulaklak na nakadikit sa pader. Iba't-ibang kulay. Paanong naidikit doon iyon?
Dumako ang mata ko sa aking hinihigaan. Napakalambot. Napakasarap sa pakiramdam.
Nasan ba ako? Paanong napunta ako dito? Isa ba itong paraiso? Ang huling natatandaan ko, nakadapa ako sa lupa pero walang may gustong tumulong sa akin.
Sino bang may gustong tumulong sa akin? Isa akong pangit,mabaho,basurera at kung anong masasakit na salita pa. Walang gustong may humawak man lang sa akin. Baka mahawaan ko pa sila.
Gutom na gutom na ako nun. Pagod na pagod ang katawan ko sa kakalakad. Kung saan-saan na ako napadpad. Hindi na kinaya ng katawan ko ang gutom at pagod. Dumilim ang paningin ko at bumagsak nalang ako sa lupa.
Nakarinig ako ng katok.
Pumasok ang isang matandang babae. Nakangiti siya sa akin. Bakit siya nakangiti?
"Mabuti naman at gising ka na. May dala akong pagkain para sayo" pagkasabi niya nun, may pumasok naman na isang babae. Nakauniporme siya na puti at asul.
May dala siyang pagkain na nakalagay sa mhabang lalagyanan at tinutulak niya ito. Nakaramdam ako ng gutom. Gutom na isang linggo ko ng tiniis.
"Salamat Marie. Maari ka ng lumabas" wika nun matandang babae at lumabas naman ang Marie na tinawag niya.
"Kumain ka. Sayong lahat iyan" tinitigan ko lang ang inaalok niya.
"Wag ka mag-alala, walang lason oh kung anuman yan. Sige na kumain kana"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kinain ko na yung nasa harapan ko. Kumain ako na parang wala ng bukas. Kumain ako na gutom na gutom. Sabagay isa akong patay-gutom. Kahit sumasakit ang sikmura ko, patuloy lang ako sa pagkain.
Naubos kong lahat ang pagkain. Nahihiya man ako, hindi ko na din pinagsisihan. Talagang gutom na gutom ako.
"Mabuti naman at naubos mo" kinuha niya ang pinagkainan ko at isinantabi.
"Ako nga pala si Linda. Tawagin mo nalang akong Nanay Linda" nakangiting sabi niya sa akin.
Magsasalita ba ako?
"Ikaw? Anong pangalan mo?"
"Huwag kang matakot. Mabait akong tao" nakangiti pa din siya.
"E-ele..na. Elena a-ang p-angalan k-ko" nahihiya kong sagot sa kanya.
"Magandang pangalan. Maganda katulad mo" nagulat ako sa sinabi niya. Nagpapatawa ba siya? Mawalang-galang lang po, ako'y pangit. Hindi ako maganda.
"Hindi ka ba naniniwala sa akin?" muli akong tumingin sa kanya.
Nakangiti pa din siya. Bakit napakabait nito sa isang tulad ko? Hindi ba siya nandidiri sa akin?
"Ilang taon ka na Elena?"
"Kinse anyos p-po" nakayukong sabi ko.
"Saan ka nakatira?"
"Wala na ho akong tirahan. Isa po akong palaboy sa daan" naiiyak na ako pero pinigilan ko. Kelangan kong maging malakas.
"Huwag kang mag-alala. Matutulungan kita. Ituring mo akong isang Nanay sayo. Dahil para sa akin, isa na kitang anak"
At sa unang pagkakataon, ngumiti ako. Isang tunay na ngiti. Nakatagpo ako ng isang kakampi.
BINABASA MO ANG
Forgiveness is better than Revenge
Short StoryForgiveness is better than Revenge. You agee? ♛