Chapter One

13 1 0
                                    

Chapter One

3RD PERSON'S POV

"Ay! Yung bata nahimatay" sabi nung isang matandang ale at tinuro yung batang babae na bumagsak sa lupa.

Walang gustong tumulong sa kanya. Pinagtitinginan lang siya ng mga tao dun. Lahat ng napapadaan ay walang pakialam.

Dahil ang tingin ng mga tao sa batang babae ay marungis at mabaho.

"Ano ba yan. Bakit may mabahong bata dito?" wika ng babaeng mayaman.

"Nakita nalang naming nahimatay yan" sagot ng isang lalaki.

"Paki-dampot naman yan sa guard. Hindi kami makakain ng maayos hangga't nandyan yang basurang yan" dagdag pa din ng babaeng mayaman.

Nasa tapat ng mamahaling restaurant ang batang babae na nahimatay.

Walang gustong lumapit.

Walang gustong humawak.

Walang gustong magtanong kung okay lang ba siya.

Hangga't may isang matandang babae at isang lalaki ang lumapit dito. Binuhat ng lalaki ang bata at naglakad palayo.

Forgiveness is better than RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon