Chapter 33

8K 356 11
                                    

"Stop her!"

"She's destroying everything!"

"Prepare yourselves! The Agents might find us here because of this extreme energy she's releasing!"

Marami ng tao sa silid ngunit hindi ako natigil sa ginagawa. Nararamdaman kong lumuwag na ang pagkakagapos sa aking mga kamay at paa kaya naman ay pinagpatuloy ko ang ginagawa. I won't stop till I destroy this cuffs. At lalong hindi ako titigil hangga't hindi ako makalabas ng buhay sa lugar na to.

Idinilat ko ang mga mata ko at namataan ko ang iilang kawal na nakapalitbot sa akin habang hawak ang kanya-kanyang sandata. Handang-handa na silang pigilan ako. Napabaling ako sa mga taong nasa harapan ko. I smirked when I saw Stefan and Efraem. Seryoso silang nakatingin sa akin at tila ba'y handa na rin sila na sa susunod na gagawin ko.

"You want my power," ani ko at ngumising muli. "Come and get it, bastards!" sigaw ko at buong pwersang sinira ang mga nakatali sa aking mga kamay at paa. Mabilis akong tumayo at inihanda na rin ang sarili.

I heard Stefan cursed at nag-utos sa mga kawal na palibutan ako at maghanda sa pag-atake. Hindi pa man nakakahakbang ang iilang kawal ay itinaas ko na ang isa kong kamay at walang pag-alinlangang ikinumpas ito. Tumilapon at nagsigawan ang mga ito sa ginawa ko. I smirked at that then swayed again my other free hand. Napatingin ako sa aking kamay at napangiti sa enerhiyang nabubuhay roon. My power, I know this is not the right time to celebrate but I can't help myself but to feel happy. Matagal ko nang di ito nagagamit. Lagi kong pinaaalalahan ang sarili ko noon na dapat ay hindi ko gamitin ang tunay na lakas ko. Na dapat limitado lamang ang kakayahang ipapakita ko sa mga tao. I might scared them if they witness my true strenght and power. I might hurt them. I might lose them if I use it.

"Hold her!" sigaw ni Stefan kaya naman sabay-sabay na umatake ang mga kawal na hindi ko pa napupuruhan. Inihakbang ko ang kanang paa ko at malakas na itinapak sa sahig na siyang nagpayanig na naman sa buong paligid. Ginawa ko iyong muli at mas malakas na pagyanig ang aming naramdaman.

"You'll gonna pay for this, Erika Rysse!" rinig kong sigaw ni Stefan sa akin.

"Wala pa akong ginawa," I mocked him. "I'm just warming up, Stefan." Humakbang ako papunta sa kinatatayuan nila ni Efraem habang nagrerelease ang aking katawan ng kakaibang kapangyarihan kaya naman ay walang ni sino man ang nakakalapit sa akin. This overflowing power was like a cursed to me when I was young. Kaya naman ay nagkaroon ako ng limiter seal noon na kalaunan ay pinatanggal at pinabura ko na rin dahil kaya ko ng kontrolin iyon.

Bumaling ako sa dalawa. I saw how the two men become ready for my attack pero nginitian ko lamang sila. I summoned one of my sword then pointed it to them.

"Bring me to Isaac," I commanded them.

Kita ko ang pagkagulat at pagbaling si Stefan kay Efraem pagkarinig niya sa sinabi ko. Walang emosyon namang nakatingin lamang si Efraem sa akin. I raised one of my brow then tilted my head.

"He wants me, right? Bring me to him," ulit ko.

"Erika Rysse, kung hindi mo pa ibibigay ang nais namin, hindi mo makakaharap ang head master," ani Stefan.

Head master, my ass! Kung siya nga si Master Isaac, ang ama ni X, alam kong alam niya ang kakayahan ko. Matalik siyang kaibigan ng mga magulang ko. He already witnessed how powerful and dangerous my power is. He was there when I had my limiter seal.

I took a deep breathe. Knowing he was alive suffocates me. Paanong nangyari ang mga to? They were dead. Taon na ang lumipas noong pinatay sila. What is this? A fucking show? For what? For power? Damn this!

"Really? Then I have no other choice here. I'll defeat you two then I'll find him by myself," seryosong wika ko sabay summoned ng isa ko pang espada. Naging alerto ang dalawa kaya naman ay hindi na ako nagdalawang-isip pa at nauna na akong sumugod sa kanila. I slash my sword and I was a bit shocked when I saw a spark on the tip of my swords. Naramdaman ko na ito noon, noong nasa dungeon pa ako, at ngayon, alam ko kung saan ko ito galing. Ang kapangyarihang ito, alam ko kung kanino ito.

The Last WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon