Chapter 39

7.8K 328 2
                                    

"The box?" tanong ni kuya Eros habang nagsisimula na kaming maglakad patungo sa pinakamataas na bahagi ng mansyon. Ang sabi nila ay naroon si Isaac. Halos lahat ng Agents ng Tynera ay doon nakatuon ang focus and most of the Pythons are there to protect their head master.

"Oo kuya, yung kahong nakita ko sa dating mansyon natin," imporma ko sa kapatid.

"Is this the same box we were looking during the tournament?" X asked. Nasa tabi ko ito ngayon, samantala ang magkapatid ay nasa unahan naming tatlo. Tumango ako dito at itinuon ang buong atensyon sa dinaraanan.

"It belongs to me."

"I think I know what's inside that box," natigilan ako noong nagsalitang muli si Kuya. He knows?

"Ano iyon, kuya?" tanong ko sa kanya na siyang nagpatigil sa akin sa pagtakbo. Natigil din ang mga kasamahan ko at bumaling sa akin. Nasa aking kapatid ngayon ang buong atensyon ko.

"A weapon," he calmly said.

Napalunok ako ng marahas at agad napatingala noong may sumabog sa itaas namin.

Isaac!

"Let's move!" rinig kong sigaw ni Clifford kaya naman ay tumakbong muli kami. A weapon? Anong sandata? Alam kong gumagawa ng mga sandata ang mga magulang ko noon, just like kuya Eros. Pero ano iyon? At kung para sa akin naman pala iyon, dapat ay hindi na nila itinago sa akin!

"Mauna ako sa inyo," hindi na ako nakapaghintay pa. Kailangan ko nang malaman ang lahat. And facing Isaac is my only key to the truth I've been wanting to know.

"Eka!" sigaw nila sa pangalan ko ngunit hindi ako nagpapigil. I activated my speed ability at nauna na sa kanila. Marami akong Enthreans na nasasalubong. Ni hindi ko na maidentify kong sino ang Agents at mga Pythons. Basta ay nagpatuloy lang ako sa pagtakbo at natigil lamang noong narating ko na ang tamang palapag kong nasaan si Isaac.

Magulong pasilyo ang bumungad sa akin. Maraming katawan ang nakahandusay. Ang iilan ang madidisolved na. Enthreans. Pythons. That's for sure. Sila itong mga walang buhay na pakalat-kalat. Knowing the Agents, malamang ay mga fire attributers ang ipinadala ng Tynera.

Ipinikit ko ang mga mata at kinalma ang sarili.

Concentrate.

Kailangan kong mahanap si Isaac. I need to find and finish him.

Agad akong napamulat noong makaramdam ng kakaibang enerhiya sa aking paligid. Inihanda ko ang sarili at buong tapang pinasadahan ng tingin ang pasilyong kinaroroonan. Humakbang ako ng isang beses at agad na gumalaw para maiwasan ang isang atakeng nagmumula sa aking likuran.

"Sharp senses," ani ng tinig na alam kong pag mamay-ari ni Isaac. Agad kong isinumon ang isa sa espada ko at mabilis na hinarap ito. "Looks like the limiter seal is gone. Your power is now awake, Eka."

"I can't believe you," mahinang sambit ko habang tinitingnan ang kabuan nito. It's been years since the last I saw him. Halos kasabayan lang ng mga magulang ko nawala ito sa Enthrea. Akala naming lahat ay patay na ito. "Paano mo nagawa ito, Master Isaac?"

"Paano mo nagawang sirain ang naging tahanan natin!" galit na sambit ko na siyang ikinatawa niya.

"Kung noon pa man ay pinagbigyan na ako ng mga magulang mo, malamang hindi na ito mangyayari," he started. Humakbang ito ng isang beses at may inilabas sa kanyang bulsa.

Ang kahon!

"I can't fucking open it!" naiiling na sambit niya at matalim akong tinitigan.

Natigilan ko. Mariing tiningnan ang hawak niyang kahon. It was the same box Jeramaih showed me. At ito, ito ang totoong kahong pagmamay-ari ng aking ina, pagmamay-ari ko.

"I know you're aware that," ani ko at itinuro ang kahon, "That box belongs to me," sambit ko at inilahad na ang bakanteng kamay. Ang kanang kamay ko ay mahigpit na nakahawak sa aking espada at handa na sa anong pag atake ni Isaac sa akin.

Ngisi at masamang tingin ang tanging isinukli ni Isaac sa akin. Maya-maya pa ay kusang inihagis nito ang kahon patungo sa kinatatayuan ko. Agad naman akong kumilos para masalo iyon kaya naman ay hindi ko namataan ang naging pagkilos ni Isaac. As soon as the box landed on my free hand, naramdaman ko ang patalim nitong nakatutok sa aking leeg.

"Alam kong mahalaga sa iyo ang kahon na yan. Ngunit di ko inaasahang ibababa mo ang iyong depensa para lamang mahawakan ito," mariing bulong niya at hinawakan ako sa braso. I frozed. Mariin kong hinawakan ang espada at ang kahon. Pilit kong ipinipigilan ang sariling gumawa ng kahit anong pagkilos. Kunting pagkakamali, maaring bumaon sa aking leeg ang patalim nito.

"Open it," aniya.

"Release me first," mahinang tinig ko. "I'll open it just fucking release me."

"Don't make me a fool, Eka. Alam kong kaya mo itong mabuksan kahit nakatutok pa itong espada ko sa kahit anong parte ng katawan mo."

"You're so sure about this, huh," ani ko at kusang dinisolve ang espadang hawak.

"I was there when your mom created this one. Now, open it," mariin utos nito at ibinaon ang pagkakalapat ng sandata sa aking leeg. Kung nakawala ako kay Jeramaih, alam kong mahihirapan ako sa kay Isaac. He's alot stronger than him. At alam kong kaya niya akong patayin para lamang sa nilalaman ng kahon na ito.

Dahan-dahan kong inangat ang hawak na kahon. Pinagmasdan ko iyong mabuti at pinigilan ang nagbabadyang luha.

Kung noon pa lang ay nalaman ko na ang nilalaman nito, marahil ay hindi na umabot sa ganito ang lahat.

'You have the most powerful gift, Eka. Ang attribute mo. Ang special abilities mo. Ito ang proprotekta sa iyo. Gamitin mo ito para sa ikabubuti. Para sa ikatatahimik ng Enthrea. Soon, kakailanganin mong gamitin ang buo at totoo mong lakas. Kaya naman ay kailangang limitahan ang kung anong mayroon ka ngayon. A seal. A limiter seal. This will protect you and the people around you. And this box? It's a gift from us. Ikaw, ikaw lang ang may kakayahang gamitin ito. Ang may kakayahang buksan ito. Use it, princess. You owned this. But make sure to use this at the right time. Walang ibang maaring makapagbukas nito kundi ikaw. Nasa iyo ang desisyon. If you think that you need to open it, then do it. Huwag mong sayangin ang kung anong nasa loob nito, Eka. Gamitin mo ito sa ikabubuti ng lahat.'

Para akong nanaginip na mulat ang dalawang mga mata. Nag unahang lumabas ang mga luha sa aking mga mata. It was a memory from my past. Malinaw na malinaw na sa akin ang nangyari noong gabing iyon. Ang gabing ipinakita at sinabi sa akin nila mommy kung ano at para saan ang kahong iyon. At pagkatapos noon, they were killed. I was devastated because of what happened. Nakalimutan ko ang isang mahalagang tagpong iyon.

This box. Kung wala ito, kung hindi ito nag eexist, marahil ay hindi magiging ganito ang nangyari kay Isaac at sa Enthrea. Kung di ako nagtataglay ng kakaibang lakas, walang limiter seal sa akin. Hindi maiisipang gawin nila mommy ang kung anong laman ng kahong ito.

Isaac knows how powerful this box is. Alam niya ang taglay na kapangyarihang nakapaloob sa kahong ito.

And he aimed to have and owned it.

"Make it fast, Eka. Open that damn box!" mariing sambit muli ni Isaac.

"I can't," nanghihinang sambit ko at binitawan iyon. Napalunok ako habang pinagmamasdan ang kahon sa aking paanan.

Who knows what's inside that box.

Hindi ko isusugal ang kaligtasan ng buong Enthrea para lamang malaman ang nilalalaman nito. All I know is that, it was powerful. Powerful enough to destroy everything. And I can't let Isaac have this kind of power. Katapusan na ng lahat kong mangyari iyon.

"So, you made your choice now, huh? Erika Rysse?" bulong nito at mariing idiniin ang espadang hawak niya. Ramdam ko ang dugong dumadaloy sa aking leeg. Mainit iyon ngunit wala akong nararamdamang sakit mula roon. I took a deep breathe. Ikinuyom ang mga kamao at inihanda ang sarili sa susunod na mangyayari.

The Last WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon