"Mamaya na natin pag-usapan iyan, Eka. Kailangan muna nating makalayo dito sa sentro," mahina ngunit seryosong sambit nito sa akin.
Gusto kong magprotesta sa naging pasya niya pero nanahimik na lang ako. She's right. We need to get out from here. I know what will happened if we stay longer in this place.
"Mga iha, iwan niyo na lang ako dito," rinig kong sambit ng matandang akay namin. "Mas mapapabilis ang pagtakas niyo kung hindi niyo na ako isama."
"No," agarang sambit ko. In my dreams, bago ako masaksak noong isa sa mga lalaking humarang sa akin, I've heard Aly screamed, sa hindi ko alam na kadahilanan. I won't leave this two. Kailangan nilang maging ligtas.
Mas binilisan namin ang pagkagalaw ni Aly. I know she's trying her best to cope up with my speed ability.
"Someone's following us."
Napabaling ako kay Aly noong magsalita ito. Damn!
Bumaling ako sa likuran ko at inactivate ang vision ko at doon ko na kumpirma ang sinabi niya! Tumatakbo din ang mga ito ngunit napakalayo pa ang distansya nito mula sa amin. Muli akong bumaling kay Aly at nakita ko itong seryosong nakatingin sa aming unahan.
"Your senses are really great," komento ko dito. Hindi ito nagsalita bagkus ang bahagya itong ngumiti. Sa ganitong pagkakataon talaga ay mapagkakatiwalaan ang taglay na galing ni Aly. Palaging alerto ang mga to kaya di na ako nagtaka noong nagkasundo sila noon ni Kuya Eros.
"We need to be extra fast," I said. "Ako ang pakay ng mga yon."
Kita ko ang pagtango ni Aly kaya naman gamit ang mga natitirang lakas, mas binilisan ko ang pagtakbo. Halos wala na akong makitang malinaw na tanawin dahil sa bilis ng pagtakbo ko. I even heared Aly cursed from the other side samantalang tahimik lang ang matanda.
At noong marating na namin ang bungad ng gubat siyang nagsisilbing boundary ng Enthrea at Lynus, tumigil na kami.
"Shit!" Aly cursed. Napaupo ito bigla habang hawak-hawak ang ulo. Maging ang matanda ay napaupo rin.
"I'm sorry," hingi ko ng tawad. Alam kong nahilo silang dalawa dahil sa bilis ng takbo namin kanina. "Ayos lang kami," ani Aly. Tumango ako at tiningnan ang paligid. "Nasa boundary na tayo," ani ko. "Ngayon ang kailangan niyo na lang gawin ay tahakin ang daan patungo sa Lynus."
"You're not coming with us?" hindi makapaniwalang tanong ni Aly. I nod.
"May kailangan pa akong gawin," I said. Nangako ako. Iiligtas ko ang Enthrea. Sa kahit anong paraan. Kahit mag-isa.
"No!" protesta ni Aly. "Hindi kita iiwan dito!"
"Aly, listen," ani ko at hinawakan ang kamay niya. "May dapat pa akong gawin. Hindi ako maaring umalis na lamang ng Enthrea," I said without breaking my eyes on her. "I need to save our division."
"You don't have to do that!"
"But I want to," I smiled. "Enthrea is our home. And I won't let anyone destroy it. Now, move, Aly. Umalis na kayo. And after this, sisiguraduhin kong magiging ayos din ang lahat. Pangako iyan."
Kita ko kung paano lumabas ang mga luha sa mga mata nito. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa kamay nito.
"Promise me that you'll be save," I said to her. "Mangako ka, Aly. Mangako kang ligtas niyong mararating ang Lynus."
"Eka...."
"Aly, I'll be fine," pag-aalo ko sa kaibigan. "Umalis na kayo."
Tumango ito at pinunasan ang mga luha sa mukha. Tumayo na ito mula sa pagkakaupo at inalalayan ang matandang tinulungan niya. Umatras ako at bahagyang ngumiti.
"Mag-iingat ka, Erika Rysse," anito. "I know you're strong but please, stay alive till this war ends."
"I will," sambit ko at umatras muli. "Go, Aly."
Tumango ito at nagsimula nang maglakad palayo sa akin. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. I stay still. Pinanuod ko ang papalayong bulto ng dalawa. At noong di ko na sila nakita, humugot ako nang malalim na hininga at marahang ibinuga iyon.
"Till we meet again, my friend," I whispered as I activated my speed ability. Muli kong tinahak ang daan kung saan kami nanggaling, pabalik sa sentro ng Enthrea. Pero hindi pa ako tuluyang nakakarating doon ay lumiko na ako pakanan at tinahak ang daang alam na alam ko. Rinig ko ang iilang pagsabog sa di kalayuan pero hindi ko na iyon binigyan ng pansin. Dere-deretso ang aking pagtakbo hanggang marating ko ang pakay ko.
I stopped when I've reached the mansion's gate.
Ito yung totoo. Ang totoong mansyon ng aming pamilya noon.
Hindi na ako nagdalawang isip pa. Umatras ako ng tatlong beses at gamit ang pwersang mayroon, tumalon ako ng pagkataas-taas. Tinalon ko ang matayog na gate upang makapasok roon. Kaya ko namang sirain ang gate pero mas makakabuting huwag kong gawin iyon. This was my parents mansion. Wala akong karapatang sirain ang kahit anong parte nito.
Dali-dali akong pumasok sa mansyon. Agad kong tinahak ang daan patungo sa kwato nila at noong marating ko iyon, agad kong binuksan ang pintuan.
I frozed.
The heck!
"Kuya!" I shouted as I ran towards my brother. Halos manghina ako sa kalagayan ng kapatid ko. Paanong nangyari ito?
"Kuya Eros? What happened?" tanong ko sa halos walang malay na kapatid. Hinawakan ko ang palapulsuan niya ang pinakiramdaman ang pulso niya. Mahina ito. Shit! "Kuya, wake up! Please."
"Erika?" mahinang sambit nito sa pangalan ko. "Kuya..." I said. "Anong nangyari? Sinong may kagagawan nito?"
"Leave..." he said.
"What?" hindi makapaniwalang wika ko. "I'm not leaving you!"
Binalingan ko ang silid na aming kinaroroonan. This was my parents room. At gaya noong nasa dungeon, katulad na katulad iyon.
"Saglit lang kuya," paalam ko dito at tumayo mula sa pagkakaupo. Kailangan kong makuha ang pakay ko dito.
"Erika, don't...."
"Stay still. I'll be back," I said and ran towards the cabinet. Pagmamay-ari iyon ng aking ina. Agad kong binuksan iyon at buong pwersang binuksan ang pinaka-ilalim nito. Kinapa ko ang loob nito at natigilan ako noong mahawakan ang isang kahon.
Napalunok ako at dahan-dahang inilabas iyon.
I remember this one. Ito yung kahong itinanong ko kay mommy noon. Ang tanging sinabi nito sa akin ay may mga bagay pa akong di dapat malaman noon. Pero ngayon, tiyak ito na ang tamang panahon para dito. Inangat ko ang kulay gintong kahon at ipinantay sa aking mukha. Kung ano man ang laman nito, tiyak na pinahahalagaan iyon ng aking ina.
"Erika..."
"Kuya Eros, look at this..."
Natigil ako sa pagsasalita noong binalingan ko ang kapatid. Nanlamig bigla ang aking katawan.
Damn it, Erika! Ba't di ko iyon naisip kanina! Crap!
"Hello there, Erika Rysse."
Jeremaih!
Damn! This man. And this scene! Ito iyong nasa panaginip ko. And kuya Eros! Fuck! I need to save my brother!
BINABASA MO ANG
The Last Warrior
FantasíaKingdom of Tereshle Story #4 [COMPLETED]. Erika Rysse. A girl who always wanted to become a warrior. Enthrea, one of the four division of Tereshle, was famous on its Annual Dungeon Tournament where the best fighter slash warrior conquer a dungeon fu...