TRAP 4 ~ Insecurity ~

84.4K 2.2K 236
                                    

A/N: KAT AND PJ! Available na sila sa mga Precious Pages store :) Search na ng malapit na Precious Pages sa inyo sapagkat datapwat late ang deliveries sa Pandayan at NBS. P99.75 lamang! Bili na!

CHAPTER 4

DEN'S POV

Nagkagulo ang mga tao ng tumumba si King at Freezale sa stage. Hinanap ng mga mata ko sila Hera pero wala na sila. Mukhang may nangyayaring kakaiba.

Inilibot ko ang paningin ko. Napabuntong-hininga ako ng makita ko  sila Hera at Athena na tumatakbo. Walang duda na tungkol ito sa death threater ni King. Mukhang gusto talaga siyang patayin ng taong iyon.

Kalmadong kinuha ko ang phone ko nang mag ring iyon. Napasimangot pa ako ng hindi ko masyadong marinig ang nasa kabilang linya dahil sa ingay ng mga taong mukhang malapit ng mag stampede.

"Hello?" nakasimangot na hinarap ko ang ilang mga kababaihan na tili ng tili at nagmamadaling umalis. "Quiet people! Hindi kayo ang gustong barilin kaya wag kayong feeler! MYGHAS!"

Ibinalik ko ang atensyon sa phone ko. "Hello? Paki-volume up nga ang boses at nagkalat ang mga megaphone dito."

"Den, can you hear me? Itatanong ko lang sana kung libre ka-"

Napasimangot ako. Steven. Ang mukhang paa na anak ng isang high authority sa news team namin. 

"Hindi ako libre! Mahal ako at wala kang pambayad kaya tantanan mo ako!"

Padabog na ibinalik ko ang phone ko sa bag ko. Nakapamewang na hinarap ko ang mga taong hanggang ngayon ay hindi parin ata nababawasan. Paano sila makakaalis eh lahat sila nagtutulakan?

Namamaos na din si Leila, ang manager ng Royalty, kakasigaw sa mic. Nandito din siya sa baba at pilit na pinapakalma ang mga tao.

Nilapitan ko siya. "Pahiram ng mic."

"Den..."

Hindi ko na siya pinatapos at kinuha ko na sa kaniya ang microphone. Umakyat ako sa malaking speaker at pagkatapos ay tumalon ako paakyat ng stage. Ang hirap maging maliit. Mabuti na lang nadadaan ko pa sa takong.

"OMG NAKAHUBAD ANG MGA ROYALTY BAND MEMBERS!"

Naningkit ang mga mata ko ng gaya ng inaasahan ay nanahimik silang lahat. Kung sabagay kung marinig kong may nagsabi na nakahubad si Rushmore baka kahit sa gitna ng gera ay pagnanasaan ko muna siya.

"Kumalma kayo mga te. Walang mamamatay sa inyo okay?"

"Sinong niloko mo?! Dalawa sa kanila ang nabaril!"

I rolled my eyes. Nakalimutan kong hindi nga pala mga engot-engot ang mga fans ng Royalty. Mga wais din. "Hindi sila nabaril. Nahulugan sila ng rumaragasang pako."

Mukhang lahat sila ay hindi madigest ang sinabi ko kaya nginitian ko na lang sila ng pagkatamis-tamis.

"Anyways. Gumora na kayo paalis. Wag kayong mag-alala at may record kami ng mga number ninyo kaya paniguradong hindi masasayang ang pagpunta niyo rito dahil gagawan iyan ng paraan, okay?"

"Pero-"

Pinutol ko ang gagawin pag-angal ng isa. "Maloloka ako sa inyo! Wala ng pero-pero. Kaya nga Royalty diba? May class. Hindi iyan na parang isang baso ng tubig na lang ang natitira sa mundo at nag-aagawan kayo para sa isang patak."

Napangiti ako ng tahimik na lumabas na sila. O diba? Iba na talaga ang mga genius people like me.

"What the hell are you doing?!"

BHO CAMP: Trapping Mr. Rockstar Into Wedlock (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon