TRAP 7 ~ Officially Trapped ~

97.7K 2K 122
                                    

A/N: RELEASE NA PO ANG BOOK NILA POSEIDON AT BREE. Available na siya sa mga Precious Pages Stores. Late delivery sa NBS, Pandayan at Expression. May kaunti lang po na pagkakamali sa libro. Iyong title. Naging His Secret Agent Boss. 

1. Boss naman talaga ni Boss si Bree.

2. Experiment Department agent si Bree.

3. Isipin na lang na isa ito sa mga typo ko. Queen of Typo naman ako bwahahaha!

4. Para uniform na ang BHO series. Lahat sila nagsisimula sa H.

BHO Series 1: His Secret Agent Pretend Wife

BHO Series 2: His Secret Agent Bride To Be

BHO Series 3: HIs Secret Agent Boss

Maraming salamat sa pag-unawa! Labyou Dyosas and Gwapitos!

PS: May EPILOGUE pa. Chill lang kabayan! XD

CHAPTER 7

DEN'S POV

Kasalukuyan akong nasa loob ng wedding car habang pinapatuyo ang mga kuko ko. Kung bakit naman kasi sa lahat ng makakalimutan ko eh ang maganda ko pang mga nails. Wala, ganiyan talaga kapag busy ka.

O? Anong ginagawa ko sa wedding car? Malamang kasal ko ngayon. Masyado lang akong napaaga dahil isang oras pa bago ang kasal ko. Naunahan ko pa ang groom at ang lahat ng bisita.

Hindi naman sa wala akong tiwala sa trenta kong wedding planner na ngayon ay parang mga gansa na nagtatatakbo sa labas. Haggard looking na din sila dahil kagabi pa sila nagtatrabaho. Ikaw ba naman ang magplano ng kasal sa loob ng bente kwatro oras lamang.

Iyon nga. Naisipan kong maaga na pumunta dito tutal kanina pa naman ako tapos sa hair and make-up ko. To be exact alas kwatro pa lang ng madaling araw gising na ako kahit na mamaya pa namang alas-sais ng hapon ang kasal ko. Kaya eto paintay-intay na lang ako dahil  isang oras na lang naman at kasal ko na.

Excited ba ako? Duh. Hindi ba halata?

Pasalamat nga ang mga wedding planner ko at matagal ko na silang kinulit sa mga preparation ng kasal ko kahit na nang mga panahon na iyon ay wala namang kasiguraduhan na pakakasalan ako ni Rushmore. Katulad ng suot ko na wedding gown ngayon. Nasa closet ko lang ito dahil dalawang taon na ang nakakalipas mula ng ipagawa ko ito.

In short wala ng kawala si Rushmore dahil matagal ko ng pinaghandaan ito.

"Hindi ka naman ba naaawa sa mga wedding planner mo? At kay Rushmore na din dahil ang dami niyang tao na babayaran?"

BHO CAMP: Trapping Mr. Rockstar Into Wedlock (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon