TRAP 6 ~ Trapping ~

97.5K 2.1K 144
                                    

CHAPTER 6

DEN'S POV

Nanggigigil na kinurot ko sa braso ang lalaking katabi ko. Kasalukuyan kaming nandito sa mall na hindi ko alam kung bakit naisipan pa ng kasama kong puntahan. Ang layo kaya. Pero pakiramdam ko nakarating na ako dito. Hindi ko lang maalala kung kailan.

"Aray naman girl!"

"Bakla!"

"I know right!"

Sino ang kasama ko? Walang iba kundi si Dylan. Ang shoklang pulis na kamukha ni Derek Ramsey na kasalukuyang apple of the eye and vitamins of the heart ni tita-tito.

Sa hindi malamang kadahilanan ay pinatapon kami dito ni tita-tito. Kailangan daw namin na mag bonding para mas maging kapani-paniwala ang pagpapangap namin ni Dylan. Kahit na anong sabi ko na hindi naniwala si Rushmore ay hindi siya nakinig.

Mabuti na lang at wala akong trabaho. Mabuti na lang din at nananahimik na ang mga agents lalo na si Freezale na pinagod ako sa mga pinapakuha niyang information tungkol sa mission niya. Isang linggo na din kasi ang lumipas mula ng nangyaring pag-atake sa kanila habang bumabyahe sila kasama sila Thunder at Snow.

[A/N: Paalala ulit. Iba ang time pacing nitech.]

"Ako ang kasama mo pero kung makatingin ka sa mga gwapitos sa paligid kulang na lang idikit mo sa kanila ang mga mata mo." nakasimangot na sabi ko.

"Pwede ba?"

"Malandi ka! Isussumbong kita kay tita-tito."

"Eto naman hindi na mabiro. Kahit taken na ang puso ko hindi naman ibig sabihin non ay bulag ako. I'm sure agreebells si Chrissy doon."

"Hindi kayo maarok ng utak ko."

"Because we're awesome!"

"Ewan."

Pumasok kami sa deparment store. Magtitingin-tingin na ako ng mga damit at nawawala na sa uso ko ang isang bus kong tambak na damit. Oo. Marami akong damit na hindi ko inuulit isuot. Maarte ako eh. Kiber!

"Ang bongga nito day!"

BHO CAMP: Trapping Mr. Rockstar Into Wedlock (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon