Chapter 65- The Hot Nerd

5.6K 51 8
                                    

Imperfectly Perfect

SEICHELLE' s POV

I just had the most memorable gift EVER for Christmas!

Who would resist the charm of Pom pom?? I know no-one.

Kahit nga sila Krish, Xy, Gary, Joem at Dom tuwang tuwa sa aso ko! Hahaha!

--er maliban yata kay Dom! Ahaha

"Tsk. Mas gwapo naman ako dyan!" Sigaw ni Dom.

=____= kitams? Pati ang kawawang si Pom pom ko pinapatulan.

"Mahiya ka nga insan, pati si Pom pom?" Sabi ni Xy.

"Tumpak-tseness! Kung papipiliin ako sa inyong dalawa, kay baby Pom pom na ako!" Joem.

"Hahahha!" Nagtawanan kaming lahat.

"Tsk! Seichelle naman kasi, bakit Pom pom ang pangalan nito? Pwede namang iba na lang!" Dom.

eh?? Ano namang mali sa Pom pom??

Bigla na lang tumawa sina Xy at... Gary?

Ano bang nangayayari sa mga Soriano??

May kung anong espiritong sumasapi sa kanila?

^_____^ lumapit sa akin si Pom pom. Todo wagayway ng buntot!

Hahaha.

"Bwahahaha! Ang babaw naman ng rason mo insan!" Sigaw ni Xy.

Naku ang ingay naman nila, buti na lang at wala sina mama ngayon. Nagdadate! Ahaha! Sinusulit nila masyado ang Pasko!

Sige na, sila na ang DA BEST LOVE TEAM SA ISTORYANG TO! SILA NA!! :)

"Ui, i-share mo naman samin yan, Xy!" Pilit ni Krish.

"Sige insan! Subukan mo at malilintikan ka sa akin!!" Banta ni Dom.

Hmm.. mukhang masaya to! Ahaha!

Nilibot ko ang tingin ko sa salla, habang hawak hawak ko ang aking Pom pom! Si Daniel, ayan katabi ko pala. Di ko napansin, si Pom pom kasi eh!

"Sorry insan pero sabi nga nila, share dapat!" Depensa ni Xy.

"Kasi naman, etong gwapo naming pinsan, Pom pom ang palayaw noong bata pa kami!" Paliwanag ni Xy.

"Hindi ko kasi mabigkas ng maayos yung Dom kaya ayun, nauwi sa Pom... hanggang sa naging Pom pom! Hahaha!!" Patuloy ni Xy.

Okay....

"So, ayun na yun Dom?" Tanong ko.

Tumango naman sya.

Akala nya siguro di namin sya pagtatawanan.....

Well....

#___#++++ mukha ni Dom

Nagtawanan kasi kami!!!!

Nang bonggang bongga!!!!!!!

Pati itong gwapong katabi ko, kunyari pa, tumatawa na rin ng pasimple. >:)

Pagkatapos naman naming kumain ng mga handa dito sa bahay, at magbigayan ng mga regalo, eh nagsiuwian na rin sila.

Mag-isa na lang ako ngayon dito sa kwarto ko kasama si Pom pom. Hanggang ngayon kasi wala pa ang DA BEST LOVETEAM OF ALL TIME. Masyado yata nilang sinusulit ang date nila ah? Parang di naman sila nagkakasama araw-araw.

At kung hinahanap nyo ang makulit kong Lolo, wala dito ngayon. In-abduct na ng mga matatandang alien! Hahaha >:)

Di biro lang! Haha! Nasa China, nakikipagtalo sa Prime Minister tungkol sa Scarborough shoal! Hahahaha!

The Heiress (Imperfectly Perfect)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon