Chapter 79- A Twist of Fate

5.1K 47 7
                                    

Imperfectly Perfect

**THIRD PERSON's POV

"THE HEIRESS' TRAGIC DEATH"

"THE SON & DAUGHTER OF WORLD'S.BUSINESS PIONEERS TRAPPED IN FIRE"

Pinunit at itinapon ni Marc o Prof. Delicio ang dyaryo at mabilis na lumabas ng paliparan para maghanap ng cab.

Kadarating nya lang sa Jeju para sa nasabing Retreat ng mga estudyante ng Donnovan College.

Pero di nya inaasahan na magiging ganito kasaklap ang sasalubong sa kanya.

Ni hindi nya nga alam kung maniniwala ba sya sa nabasa nya at nanaginip lang ba sya.

Tila bumabalik ang sugat mula sa pagkamatay ng matalik nyang kaibigan na si Price na hinilom na ng panahon.. Pero bakit mas doble pa ngayon?

Sumakay ng taxi ang binatang professor at palihim na umiyak.

Naglalaro sa isipan nya ang masayang imahe ng dalaga habang tumutugtog ng piano sa oras ng klase nya.

'Seichelle...' isip nya.

Lingid sa kaalaman ng iba, matagal nang may pagtingin ang binatang professor sa dalagang tagapagmana ng Donnovan.

Pero mas nangibabaw ang pagkakaibigan nila ni Price kung kaya't mas minabuti nyang magpaubaya.

Naputol ang nasa isip ng binata ng biglang huminto ang taxing sinasakyan nya.

Nakarating na sya.

"Gamsahamnida," matipid na sagot ni Marc habang iniabot nya ang pera.

Nilibot nya ang tingin sa lugar.

Napapalibutan ng mga peryodista ang lugar. Marahil ay galing pa sila sa iba't ibang bansa.

Natatakpan ng mga modernong kagamitan nila ang ganda ng lugar

Pero di na nya pinansin ang mga ito at tuluyang pumasok sa loob ng resort na matagumpay na nagbingi-bingihan sa mga tanong ng mga reporter.

Tuluyan na syang nagpakawala ng mahihinang hikbi ng makita ang nasunog na bahay.

Sa hitsura pa lang, parang napaka-imposibleng may mabuhay pa sa loob.

"P-prof.. Delicio?" Mahinang tanong ng dalaga.

Namumukhaan nya ang isang to.

"Krish, anong.. n-nangyari?" Tanong nya.

Lalong umiyak ang dalaga. "*huk* Nasa loob po.. si *huk* S-Seichelle... tapos pumasok po si D-daniel.. kaso hanggang ngayon... *huk* di pa sila lumalabas!"

"Krish, they need to know your side of story," malungkot na sabi ng binata na kakalapit lamang sa dalawa.

Napatingin si Prof. Delicio sa nagsalita.

At laking gulat nya nang makita...

Si Russel.

Walang anu-ano'y sinuntok ni Prof. Delicio si Russel.

"Prof!" Awat ni Krish.

Biglang lapitan naman ng mga kaibigan nila.

"Ggo ka Rookie!! Ano to ha?! Kasama ba to sa plano mong hyop ka!!" Galit na baling ni Prof. Delicio kay Russel.

Ni hindi na mabigyan ng isa pang suntok ang binatang nakayuko dala ng mahigpit na pagkapit ng dalawang binata sa braso nya. (Dom at Gary)

"Ggo ka!!" Sigaw ni Prof. Delicio. Ngarag na ang boses nya dahil sa pagiyak. "Pati ba naman si Seichelle at Daniel ha?!!"

The Heiress (Imperfectly Perfect)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon