Prologue

1.3K 41 10
                                    

Hi ako nga pala si Alyssa Bautista na noon ay hindi naniniwala sa forever at happy ending, naging bitter dahil sa mapait na karanasan sa naging last relationship ko,pero naghihintay parin sa tamang panahon at sana tamang tao na kasi ayokong ibigay lahat ng pagmamahal ko tapos walang maisusukli na pagmamahal sa akin, sabi nga nila na wag mo ibigay lahat magtira ka para sa sarili mo, in my case binigay ko lahat kaya ng iniwan niya ako ay hindi ko talaga matanggap ang lahat tapos na kami at kahit katiting man lang ng pagmamahal niya ay hindi ko natanggap. 

Ang dating tahimik niyang buhay ay nagulo ng dahil sa kanila, sinong mag-aakala na ang isang mayaman,maangas at sikat na lalaki ang magkakagusto sa kanya, sinong mag-aakala na ang mga lalaking yun ay magiging kaibigan niya? Paano kaya niya mababalik sa dati ang buhay niya na ngayon ay naging magulo ng dahil sa kanila at kung paano siya pinaglaruan ng tadhana.

Maraming lalaki ang nanligaw sa akin pero hindi ko sila binigyan ng atensyon dahil pare-pareho lang lahat ng mga lalaki sa mundo, manggagamit at manloloko pero sa isang iglap nawala lahat yun nga nakikilala ko ang lalaking magpapatibok ulit ng puso ko, sa kasamang palad isa siyang manhid. 

Hindi ko masyadong iniinda yun kasi alam kong malabo na magiging kami pero naniniwala ako sa kasabihan na.

#1 The best things in life comes to those who wait patiently.

#2 Waiting is a sign of true love and patience. Anyone can say I love you, but not everyone can wait and prove it's true

#3 Never rush in love for it never runs out. Let love be the one to knock on your door so that by the time you start to feel, you'll know it's real.

Maraming tanong ang gumugulo sa isip ko na pag dumating yung panahon na mapansin niya ako at maging jowa ko siya pero hindi naman sa nag-assume pero hindi malabo na mangyari yun. 

Paano kung ang akala ko na siya na ay hindi pala, kakayanin ko ba ang lahat ng sakit?

Paano kung maging katulad din ito sa past relationship ko?

Paano kung pinapaasa lang ni ako sa wala?

Paano kung sa bandang huli ay hindi pala niya ako mahal?

Paano kung iiwan niya ako sa ere?

Paano kung sa bandang huli ako lang yung nagmahal? 

Paano kung pinaglalaruan niya lang ako? 

Makakaya ko ba lahat ng sakit pagsumabak ako ulit sa pag-ibig?

Sabi nga nila if you love someone handa kang mag sakripisyo kahit masakit ay gagawin mo ito, kahit mahirap ay lalaban ka parin, sometimes letting go maybe tough ika nga nila pero minsan ito yung sagot para hindi ka na masaktan pang muli, minsan hindi mo na namamalayan na unti-unti niyang binibitawan ang relasyon niyo samantalang ikaw ay kumakapit pa. Makakaya ko ba lahat ito? 

Sabi nila nga Try and try until you succeed, pero paano kung ginawa mo na lahat pero hindi ka parin nagtatagumpay, titigil na ba ako? susuko ba ako? 

Ngayon ko lang ulit naramdaman kung paano ang magmahal pero sana hindi ako mabigo at magsisi sa huli. 

Ms.Papansin meets Mr.ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon