Meet a new friend
Maaga akong nagising dahil sa kaba at takot na baka makita ko sila ulit, kaya dali-dali akong naligo at pagkatapos ay nag bihis at bumaba na ako at saktong patapos na si mama magluto ng pagkain.
"Bakit ang aga mo nagising panget?"
"Wala lang" sabay upo sa upuan na nasa harap ni kuya
Nakita ko si mama palabas ng kusina na may dalang ham at egg. My favorite!
"Ang aga mo ata anak ah?"
"Wala lang ma" sabay ngiti sa mama ko
Tahimik lang akong kumain dahil ayokong sabihin sa kuya at mama ko ang nangyari kahapon dahil tiyak na magagalit si kuya mainitin pa naman ang ulo at baka makakita lang yun ng gulo dun at parehas lang kami ng paaralan na pinapasukan.
"Sige kuya alis na ako" sabay kuha sa bag ko
Pumunta muna ako kay mama sa may kusina at hinalikan siya sa pisngi.
"Hindi ka sasabay?"
"Hindi na" sabay labas ko sa bahay
Habang papalapit na ako sa paaralan ay mas lalo akong kinakabahan, tumingin muna ako sa mga papasok at mabuti nalang hindi sila Franco o sina Jessica, sumabay nalang ako sa mga pumasok para hindi ako makita nila.
Ang malas nga naman malayo pa yung building ko tapos wala na akong kasabay kasi lumiko na yung iba kasi andun lang yung building nila, habang papalapit ako sa gitna ng court may bench dun at ang malas nga naman andun sila lahat nagtatawan.
Nang magtagpo yung tingin namin ay ako yung umiwas at binilisan ang pagtakbo para hindi maabutan niya, mabuti nalang at hindi siya sumunod.
Pagkarating ko sa klase ay maliit palang ang nandun at pumwesto ako sa likuran, ilang minuto pa ay dumadami ang mga tao sa room at may isang bakanteng upuan sa tabi ko, bakit ayaw nilang katabi ako? pangit ba ako? OO Alyssa pangit ka! kahit isang araw lang na maging maganda lang ako okay na sa akin basta makaranas ako kung paano maging maganda.
Dumating yung guro namin at nag announce.
"Okay class may bago tayong kaklase si Mr. Franco Mendoza" at may pumasok na lalaking naka cap ng itim at humarapa sa klase
Wait! Franco? so yung nakabangga ko? shit! ba't siya pa! lupa kainin mo na ako at katabi ko pa talaga kasi yun nalang yung upuan na bakante, napaka malas nga naman ng buhay ko ngayon.
Lumingon siya sa bakanteng upuan at nung nakita niya ako ay nanlaki ang mata niya at biglang ngumisi na parang may binabalak.
"Ang swerte nga naman at kaklase pa kita, madali lang akong makapag higanti" sabay lingon sa akin
"H-hah? ano bang kasalanan ko? Sorry na kasi diba"
"Nabangga mo lang naman ako at ng dahil sa pagkabangga mo ay na dumihan ang mamahalin kong damit na mas mahal pa sa buhay mo" muntik na akong mapaiyak sa mga sinabi niya, ganyan ba siya sa mga hindi mayaman na katulad ko.
Hindi ko nalang siya pinansin at baka maiyak na ako sa harap niya, nakining nalang ako ng mabuti sa mga sinasabi at sa mga tinuturo ng guro namin, hanggang sa tumunog yung bell at tumayo agad ako para ligpitin ang mga libro ko at lumabas para pumunta sa canteen.
Habang nag o-order ako may isang babaeng lumapit sa lalaki na naka cap at ang lakas ng kutob ko na si Franco yun, inabutan siya ng isang salad at parang nahihiya pa yung babae na abutan siya pero laking gulat ko na kinuha niya yung salad at binuksan pagkatapos ay itinapon sa basurahan.
BINABASA MO ANG
Ms.Papansin meets Mr.Manhid
Teen FictionMeet Alyssa Bautista, isang Nerd. Mabait at Tahimik siya pero biglang dumating ang mga lalaking nagpabago ng buhay niya. Ang dating tahimik niyang buhay ay nagulo ng dahil sa kanila, sinong mag-aakala na ang isang mayaman,maangas at sikat na lalaki...