Kabanata 1

247 11 8
                                    

Meet the bad boys and the bad girls

Franco Smith, kilalang bad boy ng school namin, walang babae na hindi niya pinapaiyak at pinapahiya, mayaman, pinaka gwapo at ang pinaka sikat sa grupo nila.

Mark Evans, ang babaero sa kanilang grupo, balita ko na halos lahat ng babae sa section nila noon ay naging jowa niya, pangalawa sa pinaka gwapo sa kanilang grupo.


Calixx Davies, ang lalaking tahimik at pinaka snobber sa kanila, hindi siya masyadong nam-bu-bully ng iba, pero napaka basagulero, hindi nagpapatalo sa usapan at pangalawa sa sikat sa kanilang grupo.

Austin Davies, ang lalaking napaka inosente ng mukha, ang master mind sa lahat ng gulo, madaldal, at maraming napapaiyak na babae.

Si Jay Roberts, ang pinakabata sa grupo nila, basagulero, malakas sa babae pero seryoso kung magmahal, pangatlo sa pinaka sikat sa grupo nila.

"Sorry"

"Ha-ha-ha, sa tingin mo mababayaran ng sorry ang ginawa mo ,tignan mo ang ginawa mo sa damit ko", tinignan ko yung damit niya at nakita na madumi nga yung uniform niya, paano kasi
natapon yung spaghetti na bitbit niya.

"Sorry hindi ko kasi sinasadya"

"Hindi ka na nga maganda, hindi ka pa tumitingin sa dinadaanan mo" tumawa lang sila at medyo nainis ako pero ayokong ipakita.

Iniisa-isa ko sila ng tingin para makita ko ang mga mukha nila, ay taray ang gwapo pala nila, please lupa kainin mo na ako, nakakahiya na toh, please kainin mo na ako maawa ka na.

"Sorry pero I have to go na kasi, may klase pa ako" tumakbo ako ng mabilis pero bago pa ako nakalayo ay hinila niya ako

"Humanda ka" kinuha ko yung braso ko na mahigpit na hinawakan niya, nagtagumpay man ako pero natatakot ako, anong ibig sabihin ng humanda ako? papatayin ba nila ako? ano? ano!!?

Lutang ang isip ko dahil sa mga sinabi ng lalaking yun, sino ba siya? bakit sila kinakatakutan dito? ang alam ko sila ang pinaka sikat na grupo dito sa school namin, ba't pa ba kasi nabangga ko pa siya, malas nga naman. 

Nabalik ako sa sarili ko ng marining kong tumunog yung bell dali-dali akong tumakbo palabas ng room at pumunta kaagad sa locker ko.

May naabutan akong sulat dun, tinignan ko muna kung may tao ba sa paligid ko pero wala naman kaya binasa ko yung nakasulat.

"Humanda ka Alyssa, antayin mo lang at makakatikim ka rin sa akin"

-Yung nabangga mo kanina

Shit!bakit alam niga yung pangalan ko? Nagbibiro lang ba siya pero sa tingin ko hindi.

Dali-dali kong pinunit yung sulat at sinara ang locker at tumakbo palabas.

Nang malapit na akong makalabas ay may nabangga na naman akong grupo ng... mga babae.

Isa sa kanila ay hinila yung buhok ko at pinaharap sa kanila.

"Anong karapatan mo para banggain ako? Total pangit ka naman kaya wala kang karapatan"

"So-sorry hi-hindi ko sinasadya" at tumawa sila

"Sorry? Sa tingin ko matatanggap ko yan? Hindi ako tumatanggap ng sorry lalo na sa katulad mong pangit!" muntik na akong maiyak pero pinigilan ko, Oo! pangit ako at tanggap ko yun.

Tinulak ako ng isang babae na kasama niya.

"Wag kang lalapit sa amin witch" at inirapan ako.

Bago sila umalis ay may sinabi sila.

"Oh btw(by the way) I'm

Jessica Villaruel, 17 yrs. old ang pinakamaganda sa buong campus.

Ako naman si Aria Wright, 17 yrs. old at isa sa pinakahabulin ng lalaki at isa sa pinakamayamang estudyandte dito.

Ako naman si Raynie Lewis, 16 yrs. old at isa din sa pinakamaganda at mayaman sa paaralang ito.

Tinignan ko lang sila at tuluyan silang umalis, natulala lang ako habang papalayo sila sa akin.

Wow naman ang tataas ng tingin nila sa mga sarili nila, magaganda ng ang pangit naman ng ugali, bakit sila yung biniyayaan ng maganda mukha samantalang ang sama ng mga ugali nila? Ganyan na ba ka unfair ang mundo?

Ilang minuto ay natauhan ako ng may dumating at hinila ako patayo, paglingon ko ay si kuya lang pala mukhang nag-aalala.

"Uy pangit anong ginagawa mo diyan"

"Nakaupo, hindi ba obvious?" sarcastic kong sabi sa kanya

"Akala ko kasi nakatayo ka" at ngumiti na parang nang-aasar

"Halika na uwi na tayo kuya" at sabay ngiti at sumakay sa harap ng sasakyan.

Tahimik ang buong byahe namin pauwi ng bahay at dumiretso ako sa kama upang magpahinga dahil sa nangyaring di maganda sa akin ngayon.

Kaninang umaga nabangga ko yung pinaka sikat na grupo ng mga lalaki sa campus, yung
tinatanyag na pinaka bad boy sa campus, natatakot ako dahil sa natanggap kong sulat kanina sa locker ko, sana hindi totoo yun at kanina lang nakabangga na naman ako ng grupo ng mga babae at mabiti nalang hindi ako nakaabot ng sampal sa kanila mga maldita pa naman sila.

Ano laya yung mangyayari bukas sa akin? Sana maganda naman, sana hindi nila ako ipapahiya, gusto ko pa naman na tahimik lang ang buhay ko na walang pumapansin sa akin, 3 years na ako sa paaralang ito at kahit isa ay wala akong kaibigan, sana wala silang gawin na masama sa akin.

"Kung ano man yang iniisip mo, ipagpaliban mo na yan, matulog ka na at maaga ka pa bukas, magiging okay din yan"

"Sige kuya" at nginitian ko siya at umalis siya.

Ang swerte ko naman at may kuya ako na kagaya niya malambing pero mahilig lang mang-asar.

Sana nga kuya magiging okay ang lahat.... 

  ------ 

Don't forget to vote kung nagustuhan niyo. ^_^ 

Ms.Papansin meets Mr.ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon