MAKALIPAS ang ilang araw ay pinuntahan ni Ciara ang mga kaibigan niya upang sabihin sa mga ito ang plano niya. Kaya ng marating niya ang lugar kung saan niya kakatagpuin ang mga ito ay kaytamis ng pagkakangiti niya.
Habang naglalakad siya ay bigla siyang napahinto ng tumunog ang tawagan niya. "Hello po." Bungad niya sa tumatawag ng makita niya ito.
"Anak, umuwi ka muna dito sa bahay. Meron tayong pag-uusapan." Anang nasa kabilang linya. "Sige po. May kakausapin lang po ako, Ma." Sagot nito sa inang siyang tumawag.
"Sige. Hihintayin kita." Matapus nilang mag-usap ng kanyang ina ay agad din itong nawala sa kabilang linya.
"She's here girls." Imporma ng isa sa mga kaibigan niya ng makita siya ng mga ito. Kaya tuloy-tuloy siyang lumapit sa mga ito.
"Hey! Anong meron at pinapupunta mo kami dito?"Tanong nila agad sa kanya kahit di pa man siya nakakauupo. Pinaikutan naman niya ang mga ito ng mata sabay upo niya. "Pagpahingain niyo muna kaya ako. Hindi yung hindi pa ako nakakaupo e nagtatanong na kayo. Wag naman kayo excited." Mataray nitong pagkakasabi sa mga ito.
"Whatever. Just tell us Ciara what is going on?" Saad ng mga ito. "Yeah! At kung ang sadya mo ay about sa nangyari nung nakaraang mga araw ay kalimutan muna lang. Because I'm out off it." Sabay taas ng kamay nang isa sa mga kaibigan ni Ciara na nandoon.
"Ako rin. I'm sorry. Ayaw kung masira ang career ko. Pinaghirapan ko itong abutin. Kaya ayaw kung masira ng ganun-ganun na lang." Segunda naman ng isa sa mga kaibigan niyang kinanganga niya.
"What the f*ck? Kaibigan ko ba kayo? Akala ko ba magkakaibigan tayo dito but what is going on?" Hindi makapaniwala niyang tanong sa mga ito. "Ikaw Janet akala ko ba we are not just friend kundi para na tayong magkapatid. Pero anong nangyari?" Naguguluhan niyang tanong dito. Dahil hindi pa nga siya nakakapagsabi sa mga ito pero kanya-kanya na ang mga ito ng iwas.
"Yeah! We are more than friends Ciara. Pero, hindi namin kasi kayang lumusong sa isang kumunoy na hindi na namin kayang umahon dito. I'm sorry. Tandaan mong meron akong anak na umaasa sa akin. Hindi ko kayang pulutin sa langsangan ang anak ko at mamulubi dahil sa isang pagkakamali." Sagot sa kanya ni Janet.
"Ciara, mas makakabuti sayong wag na gumawa ng eskandalo o ikapapahamak mo lang. Tandaan mong hindi basta-bastang tao ang makakabangga mo kung sakali. Malaking pamilya sila Ciara kumpara sa atin." Sabat naman ng isa sa mga kaibigan niya.
Dahil sa sinasabi ng mga ito ay napabuga siya ng hangin. Mukhang nagkamali siya ng paglapit sa mga ito. Di pa nga niya nasisimulan ang gustong sabihin sa mga ito pero pinapangunahan na sila ng mga ito.
"Your unbelievable people, " Anito sabay tayo niya. "Magsama-sama kayong lahat." Dagdag nito sabay walkout. Napailing naman ang mga kaibigan niya. Kilala nila ang taong mababangga ni Ciara kung sakali. Kaya takot silang madamay sa gulong papasukin nito.
"Mga bweset talaga. Walang kwentang mga kaibigan." Naiinis nitong aniya habang naglalakad. Ng marating niya ang dalang sasakyan ay mabilis niya itong binuksan at pumasok sa loob ng sasakyan. Ng makasakay siya ay mabilis niyang pinaharurut ang dalang sasakyan.
SAMANTALA dahil nga ibinalik ni Frank sa bahay ni Greg ang mga personal bodyguards nila ay muli na naman naging maingay ang bahay niya. At dahil sanay na sila sa kalukuhan ng mga ito ay kaya hinahayaan na lang nila ni Sarah.
"Hoy! Gago, magluto kayo kung gusto niyong lumamon." Sita ni Van sa mga kasama niya. "Gago, ikaw ang magluto dun. Nanonood pa kami oh!" Sagot dito ni Matt.
Napailing naman si Van na tumayo at nagtungo sa kusina. "Sir, nagluto na po kami." Imporma ng mga kasambahay nila Greg. Isang tango naman ang naging tugon niya sa mga ito.
BINABASA MO ANG
For The First Time(Completed)
Teen FictionRIED GEO VARGAS GUERRERO o mas kilala sa tawag na Greg. Kilala sa larangan ng music industry, may ari ng GUERRERO Recording Company. One of the Guerrero clan, ang pamilya nila ay sikat sa larangan ng negosyo sa buong Asia. And beside of being owner...