HALOS hindi alam ni Greg ang gagawin habang nasa labas siya ng delivery room. Today is Sarah's labor day at hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa loob ng silid. Hindi kasi siya pinayagang makapasok sa loob. Kaya kabado siyang naghihintay sa labas ng delivery room.
"Bro, calm down. Magiging maayos din ang mag-ina mo," ani Lexx na sinamahan siya sa labas ng delivery room habag hindi pa dumarating ang magulang niya at mga byenan. "Magaling na doctor ang magpapaanak sa kanya." Dagdag pa nito.
Halos ilang oras din ang lumipas bago bumukas ang pinto ng delivery room at lumabas doon ang doktora na siyang nagpaanak kay Sarah.
"Kumusta po ang mag-ina ko?" Kinakabahan niyang tanong. "Nothing to worry Mr. Guererro, dahil maayos na nailuwal ni misis ang two baby boy niyo," nakangiting anang doktora na kinagulat ni Greg. Hindi niya alam na kambal pala ang pinagbubuntis ni Sarah. Ngunit dahil sa narinig na maayos naman ang mag-iina niya ay tila nabunutan ng tinik sa dibdib si Greg sabay tingin niya kay Lexx na napangiti. "Hintayin niyo na lang sila sa magiging kwarto nila. Dahil linilinisan pa sila ng mga nurse." Imporma nito sa kanila.
"Thank you, doc." Pasalamat niya dito at tumango naman ito bago sila iniwan. "Let's go bro." Yakag ni Lexx sa kanya. At dahil nakareserve na ang magiging kwarto ni Sarah sa araw na manganak ito sa hospital ay kaya hindi na nahirapan pa ang dalawang hanapin ito.
Minutes later ay dala na ng mga nurse si Sarah sa kwarto nito. Maingat itong ilinipat ng mga nurse sa hospital bed niya. At ang little angel nila nilang nakalagay sa hospital crib nito.
"I'm proud of you, honey. Thank you for giving birth to our two little boy. Your amazing." Anito sabay halik sa noo ng natutulog na asawa. Dala narin siguro ng pagud nito kaya nakatulog ito. At ng balingan niya ang mga anak ay agad siyang napangiti. "There you are, boy's. Daddy and mommy love's you so much." Anito sabay hawak niya sa munting kamay ng mga anak.
Nakangiti naman siyang tinapik ni Lexx sa balikat. "Congrats bro." Anito. "Thanks bro."
"Bro, maiwan ko muna kayo. Kailangan kung puntahan ang mga pasyente ko. Kung may kailangan ka tawagan mo lang ako." Paalam sa kanya ni Lexx. "Sure bro, thanks again." At isang tango lang ang tinugon nito bago umalis.
"Hijo. Nasaan ang apo ko?" Boses ng ina ni Greg na kararating lang. "Son?" Ang ama naman niyang napatingin sa dalawang crib ng mga anak niya.
"It's a twins Dad." Kakamot-kamot nitong aniya. "Ang cute ng mga apo ko." Anang ginang na maluha-luhang nakatunghay sa mga sangol.
"G-greg."
Agad na binalingan ni Greg ang asawa ng tawagin siya nito. "Honey," hinawakan ni Greg ang kamay ni Sarah at hinalikan ito. "Your amazing. I love you." Saad nito. Tipid namang napangiti ang asawa.
"I love you, too."
"Kumusta ang pakiramdam mo, hija?" Anang ina ni Greg na bahagyang lumapit sa kama ni Sarah. "Little bit tired, Mom. But I'm fine." Sagot nito kaya bahagyang pinisil ng ginang ang kamay niya.
"Your wonderful woman, hija. Thank you for giving birth the two cute little boy's. Proud na proud ako sa inyo ng anak ko." Anang ginang. "Thank you, Mom." Mahina nitong aniya.
"Congrats hija. Ang saya ko at sa wakas meron narin ako maipagmamalaking apo ko sa mga kumpare ko." Anang ama ni Greg na halata sa mukha nito ang kasiyahan.
"Ikaw lang ba balae." Boses ng ama ni Sarah na kararating lang din kasama ang asawa. "Oh! My God. Look at that balae. Nakadalawang apo agad tayo." Saad naman ng ina ni Sarah sa ina ni Greg.
"Kaya nga balae. Ang swerte natin." Nagkatinginan naman si Greg at Sarah sabay ngiti nila.
"May pangalan na ba kayo sa kambal?" Maya ay tanong ng ina ni Greg sa kanila na sinang ayunan naman ng ina ni Sarah.
BINABASA MO ANG
For The First Time(Completed)
Teen FictionRIED GEO VARGAS GUERRERO o mas kilala sa tawag na Greg. Kilala sa larangan ng music industry, may ari ng GUERRERO Recording Company. One of the Guerrero clan, ang pamilya nila ay sikat sa larangan ng negosyo sa buong Asia. And beside of being owner...