1st

49 3 0
                                    

"It's been a long and winding journey, but I'm finally here tonight
Picking up the pieces, and walking back into the light
Into the sunset of your glory, where my heart and future lies
There's nothing like that feeling, when I look into your eyes..."

__________________________________________________

It's been 5 years after we graduated college. Nagtapos ako sa kursong Business Administration at napagtripan kong itayong negosyo ay airline company. Bakit? simple, para di na mahirapan ang mahal kong magtrabaho sa ibang paliparan lalo na't isa na siyang stewardess. Noong una wala akong pakialam sa napili niyang kurso, para sakin ordinaryo lang 'yon sa mga matatangkad na tulad niya na... maganda. Ngunit ng pinaglaruan kami ng tadhana at nahulog ako sa mga mapaglaro niyang paraan, damn sumasama timpla ko pag sumasakay na siya ng eroplano at ako heto't naghihintay kung kailan siya babalik.

Sino nga ba ang mag-aakalang mahuhulog ako sa babaeng kabaliktaran ng mga tipo ko? natatawa na lang ako pag naaalala ko ang pagpapapansin niya sakin.

"Prove me you're not a gay, date with me" aniya

Pambihira, siya lang ata ang babaeng kayang gumawa ng mga ganoon. Ang sayang balikan ng mga alaalang bumuo kung nasaan man kami ngayon.

"My dreams came true, when I found you
I found you, my miracle..."

Wala akong ibang marinig kung hindi ang malakas na pagtibok ng puso ko. Ang babaeng hindi ko inaakalang mamahalin ko ay naglalakad sa gitna ng altar papalapit sa kinaroroonan ko. Hindi mabura sa labi ko ang ngiti habang nakatitig sa kanya habang naglalakad suot-suot ang ang isang puting gown at nakatingin sakin na may matatamis na ngiti. Kinindatan ko siya na ikinatawa niya, hay ang ganda lang talaga ng anghel ko. Nagbabalik tanaw sa isipan ko ang 5 taong pinagsamahan namin, oo may dumarating na problema ngunit walang pagkakataon na nasisira kami noon. Ganoon naman talaga siguro, pag mahal mo hindi mo hahayaang magkasira kayo kaya gagawa at gagawa ka ng paraan para sa huli, magkaayos kayo.

Hindi na mawala sa labi ko ang ngiti ng ilang pulgada na lang ang layo niya sakin, at noong nasa harapan ko na siya, she mouthed 'i love you, love' which i responded, 'i love you most' bago siya tumabi kila Zein na masaya habang buhat ang bunso nitong anak. Damn, bakit ang ganda niya pa din kahit tatlo na ang anak namin? Parang walang epekto sa kanya ang pagbubuntis, lalo lang siyang gumanda.

Napalingon na ang lahat ng bumukas ang pintuan ng simbahan at lumuluhang naglalakad doon si Vanessa. Natatawa naman ako sa reaksyon ni Jerome na pinipigil ang pagluha. Lakas nitong mangantiyaw samin noon na parang tanga daw kami ba't naiiyak sa kasal, di naman daw mamamatay yong bride. Pero ito siya ngayon, pinipigil ang luha. Naiintindihan ko siya, gan'tong gan'to ang eksena 2 taon makalipas noong kami ni Angel ang kinasal. Daig ko pa ang nanalo sa lotto habang palapit siya sakin habang hawak sa kanang kamay niya ang panganay na anak naming si Matthew Jr. na noon ay isang taong gulang pa lang. Oo, nauna kaming magkababy bago kami kinasal. Mahirap na, baka may umagaw pa. Napapasimangot ako kapag naaalala ang ilang beses niyang pagreject sa wedding proposal ko. Ang rason niya ay hihintayin daw muna niyang makalakad si Matthew Jr bago siya pumayag magpakasal sakin.

"Do you take Vanessa Savage as your lawfully wedded wife?" wika ng pari

"Uh pwedeng mag no, father?" Hindi namin naiwasang mapahalakhak sa naging reaksyon ni Vanessa pagkatapos sabihin ni Jerome 'yon. Pulang pula ang mukha nito sa galit at handa ng rambulin si Jerome. Siraulo talaga hahaha

"Joke lang father! Yes na yes, I do."

Mukhang sasakit ang ulo ng pari dahil sa dalawang ito. Sila ang huling ikakasal saming magkakaibigan. Nauna sila Zein at Ace isang taon pagkatapos naming magtapos ng kolehiyo na sinundan nila Raze at ate Allison sa sumunod na taon. Tapos sila Dave at Mia na kinasal sa Paris, at doon ko na din kinuha ang pagkakataong magpropose kay Angel sa ikaapat na pagkakataon. Mabuti naman at um-oo na siya at pinatapos lang namin ang isang taon, ay pinakasalan ko na agad siya. Kaya heto kami ngayon, 3 taon na ang panganay at kapapanganak niya lang ng kambal, Duke at Dutchess.

"You may now kiss the bride" walang ano-ano ay hinalikan agad ni Vanessa si Jerome kaya ganoon na lang ang tawa naming lahat.

Ang saya sa pakiramdam na nakita na naming magkakaibigan ang makakasama namin hanggang pagtanda. Ika nga, wala na kaming maihihiling pa dahil nasa tabi na namin ngayon ang pinakamagandang regalo, ang kanya kanya naming asawa.

(End of Chap 1)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Happiness (Matt&Angel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon