Chapter 2

26 1 0
                                    

*brjsmhdcxmmskwk* 

Gutom na ko..  T_T

kakain nga muna ako..... ayun may karinderya *o*

umupo ako sa isang table at naghintay.

after 30 minutes.....

*krrrr... Krrrr*

Ugh. Gutom na talaga kooo. Bakit ba kasi wala man lang lumalapit na waiter sakin? Sa italy, kahit maliit lang yung kainan, meron pa ring nag aassist sa customer.

Waaah! Yung mga anaconda ko, nagwawala na...

"WAITER!!!"

Napatingin sakin yung mga kumakain sa lakas ng sigaw ko. Ultimo aso, napakahol sa gulat. Nagbulung-bulungan sila. Wala akong pakialam eh sa gutom na ko eh

"HOY!!! SABI NG WAITER EHH!!! BINGI BA KAYO??!!! NASAN ANG MANAGER NYO???!!! ANONG KLASENG MANAGEMENT MERON K---"

"Miss, pwede ba, karinderya to, hindi restaurant. At hindi mo ba nakikita yung sign *turo sa estante*, SELF-SERVICE po dito." Sabi nung lalaking nagpupunas ng mesa sa di-kalayuan.

Tiningnan ko naman yung tinuro nya. Nyay. Kakahiya -_-"

"Ahehe. Sor--."

"Anong nangyayari dito Domeng?" Sabi nung lalaking lumabas galing sa pinto.

"Eh kasi sir, may nakapasok ata ditong takas sa mental. Sumigaw ba naman ng waiter eh wala naman tayo nun. Blah-blah-blah..."

Ayun. Ako pa ang lumabas na baliw. Buti hindi natuloy yung sorry ko kanina. Sana man lang sinabihan nya ko diba? Eh kanina pa nga sya paikot-ikot dito tas di man lang ako in-approach at sinabihang "Miss Beautiful, pumila ka sa counter, dun mag oorder." Alangan na ako pa ang lumapit sa kanya. Duh? Sayang wala akong alam na grocery or convenience store na pwedeng bilhan ng common sense. Nye.

Tumingin ako kay Kuya Gwapo este yung pinagsumbungan nung crew. Hala. Grabe naman makatingin..

Waaaah. Ipapakulong ba nya ako? Aish. Malay ko ba kasi na self-service dito? Bakit di ka kasi nagbabasa Myrkielle??? Naturingan kang maganda, bobita naman.  

Nangungulaba na yung mata ko. Nagpapatagalan kami ng titig. *lunok* Una akong nagbaba ng tingin. nakakatakot kasi yung mata eh. Feeling ko kakainin ako ng buhay. Omo! >_<

"Domeng, samahan mo sya sa opisina ko." Yun lang at pumasok na ulit sya sa loob.

Lumapit sakin yung Domeng. "Miss sumama ka sakin sa loob." Sabay punas ng kamay sa apron nya na puro stains ng *lunok* du-d--d--dugo?!!

"Ahhhh.. H-aha-a. S-sorry kuya s-s-sa a-b-bala. A-aalis-s na l-lang a-a-ko." Tatayo na sana ako pero hinawakan nya ako sa braso.

"Di pwede miss. Magagalit si Boss pag dika sumunod sa kanya." Bumaba yung tingin nya sa bandang dibdib ko. *lunok* yaan ko na lang mag enjoy sa view tong hinayupak na to. Baka kasi mas malala ang sintensya ko pag pinatulan ko to.

"Uy pare. Sino yang chic na yan? Witwew." May dumating na lalaking mataba, kaparehas nya ng suot pero mas marami yung bloodstains sa apron nya na parang fresh pa. Nagwink pa sakin. Rrrrr

"Kustomer lang hehe. Ganda nuh? Amputi."

"Oo nga eh. Nakajackpot ka dyan ah?"

"Haha. Sya maswerte sakin."

Swerte? Ako? Sa kanya??? Ni hindi nga yan pwedeng maging sentence eh. Lol -_-

"O'sya pare. Eto na pala yung hiniram ko sayo nung isang linggo.. Sensya na ngayon lang, ha. Napamahal na kasi si Babe kay Dyunyor, alam mo naman na sya naglilinis ng kulungan nun, kaya tyumempo pa kami para makatay eh." Sabay abot nung malaking kutsilyo.

Love Story MischanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon