Ikaw. Ako. Paalam.

1 0 0
                                    

Tahimik naman ang mundo ko

Wala akong pake sa ibang tao

Masaya ko saking mga kaibigan

Hindi natatapos ang araw ng walang tawanan

Ngunit nag-iba bigla ang lahat

Paligid ko'y bigla ring kumalat

Paligid nga ba o sarili ko lamang?

Ang alam ko lang, ikaw ang dahilan

Oo, ikaw ang sanhi ng mga ito

Simula ng dumating ka sa buhay ko

Nagkaroon ng kakaibang saya

Tuwing kausap ka, anong ligaya

Ewan ko nga ba kung bakit

Sa tuwing malungkot ka'y anong sakit

Ng aking nadarama

Gusto kang yakapin tuwina

Kaakibat ng sakit na iyong nadarama

Ay ang puso kong nagdurusa

Batid kong may gusto kang iba

Masakit ngunit wala eh, mahal na ata kita

Haha, nakakatawa lang talaga

Para na kong bruha at tanga

Tatawa tapos iiyak

Iiyak tapos hahagalpak

Baliw na nga siguro ako

Ng mahalin kita ng ganito

Di ko akalaing ganito pala pakiramdam

Sana di ko na lang inalam

Oo, di pa kita nakikita nang harapan

Pero peste kasing kasweetan!

Di ko na tuloy naagapan

Heto ko't nasasaktan

Ngunit maniwala ka sa akin

Walang hinanakit saking damdamin

Kahit na ako'y nasaktan

Nais pa rin kitang pasalamatan

Salamat sa mga araw na ako'y pinasaya

Salamat at ika'y aking nakilala

Salamat sa iyong pinadama

Salamat ngunit paalam na

Nawa'y hindi ito ang ating huling pag-uusap

Lalayo ako, kakalimutan ang naganap

Ang damdamin kong iyong napukaw

Babawiin ko muna ang pusong ninakaw

Sa oras na tayo'y magharap

Nawa'y damdami'y mawala na ng ganap

Ng tayo'y muling makapag-umpisa

Bilang magkaibigan at di magsinta

Inaasahan ko yan sa hinaharap

Sa ngayon, pagtutuunan ko ang aking pangarap

Oh aking sinta paalam na

Kasabay nito'y paalam na sa aking nadarama

***

Hahaha. Sh*t! Para sa kanya kung alam niya. </3 hahahaha. Pero matagal na yan. 2 years ago na ata. Haha. MOMOL. haha. :)

Thank you sa mga nagbabasa kahit mahaba! :)))

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Taste of Ink (Compilation of Songs and Poems)Where stories live. Discover now