20

2.6K 56 2
                                    

Chapter 20

Winter's POV

Lumabas nalang kami. Naka pag isip isip na din ako

Siguro kailangan kong mag tiwala kay Jaren. Baka kailangan niya ng privacy

May mga secrets rin kaya ako na hindi niya alam

"Saang cottage tayo?" Tanong ko sa kanila

" Alam ko kaya sumunod na kayo sa akin" sabi ni Cass

Kaya sumunod na kami sa kanya

***

Papunta kami sa cottage pero na datnan namin sila Heather at Norine. Babalik yata sa Hotel

Tumabi Muna ako. Manonood nalang ako sa kanila. Tutal hindi naman ako pwedeng maki sali sa kanila no! Nag papanggap kaya ako

Cassandra and Alexandra VS. Heather and Norine

What an interesting Fight

Nagkaharap na sila

Ang swerte ko Naman at makikita ko ang away nila. Gusto kong sumali pero bawal. Kainis

Cassandra's POV

Akin Muna ang POV ngayon dahil mag aaway kami ng mga bruha Dito

And the good thing is. Kasama ko si Xandra

" Hay nako. Nalulungkot ako. Bakit hindi mo sa akin sinabi Xandra na International Harina Day ngayon?" Konyareng Tanong ko

" Ako nga rin eh. Hindi na inform " sabi sa akin ni Xandra at nag pout

Tinignan ko si Winter. Naka smirk.

I will make sure na mag e enjoy ka sa laro namin , Winter

" Preferring to us? Of course you are preferring to us. Pero sorry ka. Hindi ito harina. Kutis porselana lang kami" sabi ni Heather at nag smirk

Sige lang. Magpaka saya ka. Hindi pa ako na tatalo sa barahan

" Kutis porselana? Huy Huwag kang mag deny. Alam kong glutathione lang Yan." Sabi ko at tumawa ng mahina

Akala mo ha

" Glutathione? Kayo ang may kailangan niyan. Maganda na kami kaya no need na yan para sa amin" sabi ni Norine

" Really? As in no need? Mataas ang sikat ng araw ngayon. Baka ma Hawa ang kutis mo na mala Harina sa Budhi mong mala Kaldero
" si Xandra yung sumagot

Hay nako sis. Sinabi mo pa. You are right

" Hindi rin ako na inform na International Kamatis Day ngayon. Sobrang pula na kasi ng mga pisngi niyo. Para kayong sinampal ng mga maskuladong Bakla" sabi ni Heather

" Sorry ka, rosy cheeks lang talaga kami. At Hindi ito Plastic surgery dahil in born na kaming ganito,Not like you guys. Kailangan niyo pa ng katas ng kamatis or ketsup para lang pumula ang mga pisngi niyo
At ikaw Heather. Ginagaya mo lang ang sinasabi ko
Yung international international ko Ginagaya mo " mahabang sabi ko

" So sina suggest mo na sa amin ngayon ang mga ginawa niyo sa mga pisngi niyo kung bakit pumula?" Sabi ni Norine na naka smirk

" In born nga diba? Akala ko nag improve ka na
Hanggang ngayon pala. Bobo ka pa din . Nag aaral ka pa kung bobo ka parin
Alam mo yata ang spelling no? Sa spelling palang malayo na. Kaya huwag kang tanga teh 2018 na oh" sabi ni Xandra

Hindi ko alam kung kanino nakikipag kompetensiya si Xandra

Sa akin ba o sa kanila. Feel ko Kasi nag kikipag kompetensiya si Xandra sa akin ng pahabaan ng sasabihin eh

" Gabi na ba? Ang taas taas pa ni haring araw pero yung mga mukha niyo. Ang Dilim. Isama niyo pa yang mga singit Niyo na parang black out,Ang lakas ng loob niyong mag two Pieces kung black out yung mga singit Niyo. Takpan niyo ng towel ang katawan niyo. Baka ang mga bata matatakot sa inyo" dugtong ni Xandra sa mga sinabi niya

Kung hindi ko lang siya Kapatid. Iisipin ko talaga na nakikipag kompetensiya siya sa akin😑

" Alam niyo ba na ngayon ang International Sampal day?" Sabi ni Norine

" Alam na namin ngayon. Sinabi mo na eh" pamimilosopa ko. Oo pamimilosopa. Babae ako eh

"Diba ganito yun" sabi ko at umakto na sasampalin si Heather





" Its just a prank" sabi ko at humagalpak sa ka-ka tawa

Si Xandra Naman ay humahalak hak. Si Winter Naman nag pipigil ng tawa

Kasi ang epic ng mukha ni Heather

"Hahaha may pa pikit pikit ka pang nalalaman " sabi ko habang tumatawa

Siya Naman na inis. Sino ba ang hindi

" Winter. Itawa mo na Yan baka kung saan pa yan lumabas" sabi ko kaya ayun tumawa siya

Pagkatapos ko kasing sabihin na prank ay naka pikit parin siya na para bang hinihintay ang Sampal ko

Dumilat lang siya ng tumawa na ako

Pero ang mas nakaka gulat


"PAK" sinampal ako ni......Norine

Pero ang mas matindi

"PAK PAK PAK" tatlong sampal ang na tanggap niya mula Kay...... Xandra

Kaya sila na ang nag sabunutan

Naka tingin lang ako sa kanila. Pero humarap sa akin ang kambal ko at ngumiti

Pag harap ko sa kalaban ko

"PAK!" Sinampal ako ni Heather

"BLAG!"

Kung akala niyo sinampal ko Siya. Hindi. Ang layo kaya ng spelling ng PAK sa BLAG

Huwag kayong tumulad kay Norine na bobo sa spelling ha!

Syempre sinuntok ko Siya at dinaganan

" Dahil sinampal ako ni Norine. Ikaw nalang ang pag babalingan ko ng sampal" sabi ko

"PAK" unang sampal ko sa kanya sabay sabunot

Tinignan ko si Winter. Nag aalaa siya

Gusto niya talagang sumali

Umiling nalang ako tapos sinampal ang babaeng ito pero

May humila sa akin

Pero Teka. Bakit si Ralph ang humila sa akin?

Napatingin ako sa kanila. Nandito ang mga lalake

Pero may Mali

" Nag kamali Mali yata kayo ng mga partners" sabi ko sabay smirk

Bakit

Ang umalalay kay Heather ay si Jaren. Si Knight naman kay Xandra, Xenon naman kay Norine and of course ang Bida Dito si Winter. Katabi ni si Raven

Dahil narinig nila ako

Naging Awkward ang lahat kaya dali dali silang humiwalay


Hahahahaha ang epic ng mga mukha nila

____________________________________

My Ex Husband And I ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon