Chapter 5Yanna's POV
Naiilang akong lumapit kay Knight. Dahil sa nangyari kanina, kasalanan yun ni Xandra eh, si Xandra tawa ng tawa. Mabilaukan ka sana pag kumain ka na
Nasa cafeteria na kami ngayon. Ako, si Knight at Xandra
" Xandra, bakit mo ba itinulak ang ulo ko kanina?" Tanong ko sa kanya, akala niya malilimutan ko yun ha, siya ang dahilan bakit ang awkward na namin ngayon
Ngumiti Naman siya, natutuwa ako niyan Xandra. Tuwang tuwa talaga ako
" Bagay kaya kayo. " Sabi ni Xandra. Namula naman ako
" Kayo ang bagay. Hindi kami" sabi ko at umusok Naman ang ilong niya. Haha. Kung maldita ka. Pwes. Ako ang katapat mo
" Yanna,Nag usap kami ni Raven kanina " sabi ni Xandra
Raven..
" Diba alam mo na ang sasabihin sa kanya?" Tanong ko at tumango Naman siya
" Gusto ko ngang sumuka sa harap niya kasi ang cheesy ng mga lines niya eh. May pa I love you pa siya. SHE.IS.MINE nga daw eh, eww" sabi ni Xandra at sumubo ng fries
Kumain na din ako. Kinagat ko yung burger. Gutom na ako eh
Pero lumapit sa akin si Knight. Ano ang problema niya?
Pati ang mukha niya. Ang lapit na din. Hinawakan niya ang mukha ko. Uminit ang mga pisngi ko
Pinunasan lang Pala ang dumi sa mukha ko. Inaamin ko. Na desmaya ako
Oo na! Akala ko na hahalikan niya ako. Wala namang masamang mag assume ah.
" Ang dungis mong kumain" sabi ni Knight sa akin
" Grabe. Akala mo hindi matakaw oh" sabi ko at tumawa lang sila
Biglang tumaas ang kilay ni Xandra at naka tingin sa likod ko pati din si Knight. Nasa harapan ko Kasi silang dalawa. Ang sama ng tingin nila ng nasa likoran ko
Lumingon ako pero nagulat nalang ako ng Hilain niya ako
" We will Talk" sabi ni Raven sabay hila sa akin, medyo masakit
" You won't talk to her" sabi naman ni Knight at hinila ako, Aray ha
Bali naka hawak si Raven ang kanan kong kamay at hawak Naman ni Knight ang kaliwa kong kamay
Tug of war?
" Just give me five minutes to talk to her" sabi ni Raven sabay hila sa akin
" Wont let that happened" sabi Naman ni Knight sabay hila sa akin
" Mag uusap lang kami" sabi ni Raven sabay hila sa akin
" Sasama ako " sabi ni Knight sabay hila sa akin
" Huwag na. Pagkatapos ko siyang kausapin. Hindi ko na siya guguluhin pa" Sabi ni Raven sabay hila sa akin
" I don't trust you " sabi ni Knight sabay hila sa akin
" Well, you should" sabi Naman ni Raven sabay hila sa akin
" Hindi siya sasama sayo!" ma awtoridad na saad ni Knight sabay hila sa akin, nagsisigawan na sila
" Sino ka para pagsabihan ako ng ganyan!?" Sigaw rin ni Raven sabay hila sa akin
" Walang aalis! Walang sasama sayo! At walang mag uusap!" Sigaw ni Knight kay Raven sabay hila nanaman sa akin, parang mabibingi na ako dito. Ako kaya yung nasa gitna nila, Ang iingay na nila. Nasa amin na lahat ng attention
" Sino ka naman para pagsalitaan ako ng ganyan!" Sigaw rin ni Raven at hinila ang braso ko
"ANO BA! TAMA NA NGA! NAHIHIRAPAN NA SI YANNA EH. TUG OF WAR ANG PEG NIYO MGA TEH? GRABE NAMAN KAYO. BAKA MABALI NA ANG BUTO NIYA AT BRASO EH. HINDI LARO AN SI YANNA HA. TAO! PAG NA BALI ANG BRASO NIYA. IPAPALIT KO TALAGA ANG BRASO NIYO" sigaw ni Xandra
Thank you Xandra
Binitawan Naman nila ako. Salamat Naman
" Babalik ako. Hindi ako titigil hanggang hindi kita na babawi
You are mine. Just mine" sabi ni Raven at umalis
____________________________________
End of the chapter
~ Malditang Zan
BINABASA MO ANG
My Ex Husband And I ( Completed)
Novela JuvenilI'm Yanna Joy Orlandez-Park. Ang tangang nagmamahal.