May mga emosyong hindi na kayang ipaliwanag ng mga salita.Mismong mga letra na ang bumubuwag sa tuwing sinusubukan mong hagilapin ang kasagutan.Pilitin mo man mananatiling malabo pa rin sayo ang lahat.
Kaya naman sa tuwing nangyayari sakin ang ganitong tagpo mas pinipili kong humanap ng ibang mapagbubuntungan.Gagawa ng bagay kung saan ako magaling o ibubuhos lahat sa gawain kung saan ako nahihirapan.
Sumayad sa blankong canvass ang brush na ginagamit ko.Pinanatili kong banayad ang paggalaw at bawat pag ikot sa obrang nais kong gawin.Nakasalalay sa pag-iingat ang kalalabasan nito.
"Damn!" asik ko ng magkamali sa paggawa.Kung kailan ka talaga nag-iingat dun pa may nangyayaring di maganda.
Naiinis kong pinalitan ng bagong canvass at nag-umpisa ulit.Hindi ko naman forte ang ganitong gawain, mas komportable akong paglaruan ang mga salita para ibunyag ang aking saloobin ngunit katulad ng madalas na nangyayari sakin mukhang tinakasan na naman ako ng mga letra para makabuo nito.Baka nagtago na naman sila at pinagkaisahan ako.
Sa sinag ng araw na tumatagos sa bintanang halos kalapit lang sakin ay mas naaaninag ko ang patapos ko nang gawain.Napakahusay.Sinong mag-aakalang makakagawa ako ngayon ng well--
hindi naman yung tipong panlaban sa mga exibit pero papasa naman sigurado ito na pan-display sa kwarto ko."Lifeless..."
Napatingin ako bigla kung saan nanggaling ang mapangahas na tinig na iyon.Mula sa kinauupuan ko ay natanaw ko ang isang estrangherong binata, nakahalukipkip ang dalawang kamay nito sa magkabilang bulsa ng pantalon at mukha atang kanina pa niya pinapanood ang pagpipinta ko.Nasilaw pa ako sa pagtingin ko sa kanyang mata na may suot na salamin na nasinagan din ng araw.
Napataas ang aking kilay na umabot ata sa kisame ng kwarto dahil sa estrangherong ito na ngayon nga ay kasalukuyan nang papalapit sa aking pwesto.Sino ba siya.Hindi ata siya pamilyar sakin.
"Kahit gaano kaganda ang isang bagay kung wala namang buhay. Sa tingin mo anong kalalabasan?" tanong nito na sinabayan ng kanyang galaw sa pag-ayos ng kanyang salamin.
"Dapat may emosyon..." dugtong nito.
Napatingin ako sa aking obra.Dalawang tao ang naroroon.Babae at Lalaki.Nakaupo sila nang magkatalikod na tila ginagawang sandalan ang isat isa.Magkahawak ang kamay.May nakasalpak na earpiece sa tenga ng babae ngunit sa lalaki ay nakambitin na lang sa ibaba. Sa loob ng obrang ito may nakatagong kwento at mukhang hindi yun mainterpret ng estrangherong ito at pinupuna ako ngayon.Nagde-demand ng emosyon.
Napangisi ako bigla sa naisip. Kinuha ko ang lalagyan ng mga natitirang poster paint at binuhos sa canvass na kaharap ko.Narinig ko pa ang kaunting singhap ng binata dahil marahil sa gulat sa aking ginawa.Sabi niya dapat may emosyon, edi nilagyan ko ng emosyon ko.Ganyan kasi ngayon ang nararamdaman ko.Halo halo.
Bakas parin ang pagkagitla sa kanyang mukha ng lumingon ako.Napangisi ako.Sabi niya kasi eh.Kinuha ko na ang aking bag para umalis.Malapit ng mag-umpisa ang afternoon class. At mukhang bumabalik naman na ang katinuan ko sa isip.
Muntik ko pang makalimutan ang kalat na ginawa ko dito sa art room. At dahil nandito rin naman itong estrangherong medyo pakialamero may naisip ako.
Binuksan ko muna ang pintuan bago muling bumaling dito.
"Hey Strangers! Pakiligpit ang kalat, salamat." matamis ko tong nginitian at natatawang lumakad paalis dahil sa nakabusangot niyang mukha.
ⓒ C A T H R I N E 🔻🔺 B A L D O
BINABASA MO ANG
When The Words Collide
Short StoryThis is a collection of flash fictions. Heartbeat - Heartbreaks - Heartaches. Hope you like it.