(3) Your Prince

10 2 0
                                    

"Sandali lang,Kye!"

Eto na naman siya.Naghintay sa paglabas ko sa room.

"P-pwede bang sabay na tayo palabas?"

Di ba siya napapagod kakahintay araw-araw.Simula sa gate,break time at lunch.Walang sawang pagbati ng 'hi' at 'hello', pati ba naman ang uwian di niya pinalagpas.

Ayoko man pawiin ang ngiti niya pero pasensya lang.Ayoko siyang umasa.

"Pupunta pa pala ako sa music room.Mauna ka na palabas."

Hindi ko naman gustong saktan siya.Ayoko lang na umasa siya.
Nauna na akong maglakad tsaka lumiko para kunwaring pupunta sa music room.
Wala naman.Gusto ko lang talagang iwasan siya.

Palabas na ako sa gate ng natanaw ko siyang naghihintay na naman.

Narinig ko pa ang pagtanong niya sa guwardiya ng "Hindi pa ba siya lumalabas?"

Napapagod na ba siya?

Pawisan na siya.Oily at haggard na.Lanta na ang bulaklak na hawak niya.Tunaw na pati ang cotton candy.

"Sayang naman tong regalo ko.Birthday niya ngayon."

Sabay tapon sa basurahan.Maya-mayay umalis na ito tsaka ako naglakad palabas ng gate.



Kinabukasan pagkabukas ko pa lang ng locker ay nakit ko agad ang bulaklak.Pamilyar.Katulad ng kahapon.May letter na nakasulat na 'Belated!'
Napangiti ako bigla pero ng mapansin ko ay bigla ko agad pinawi.Baka pag may makakita sa akin ay sabihin pang 'baliw' ako.Tinago ko na ang bulaklak at sinara ang locker.

Pagkalingon ko tsaka ko siya nakita,halatang kakatingin niya lang banda sa akin dahil nakatagilid pa ang pwesto niya.Dumaan ako sa harapan niya,akala ko dedma lang siya pero nung nakalagpas na ako sa kanya tsaka niya sinabi ang

"Hi Kye.Belated!"

Sa pangalawang pagkakataon, napangiti ako.Sabay tanong sa sarili ko na "Hanggang kailan kaya siya maghihintay?"

Araw-araw atang 'Belated' , kase naman laging may bulaklak akong naaabutan sa locker.Iniipon ko yung mga yun tsaka nilalagay sa vase at dini-display ko sa table namin.
Pakiramdam ko iba na to.Iba na ang nararamdaman ko pag lumalapit siya.Natutuwa ako pag naririnig ko ang 'hi' niya.Ang labo.Di ko maintindihan.Basta Status its Complicated pa.

Dalawamput siyam na tangkay ng bulaklak ang nakatago sa kahon na ginawa ko.Lahat ng binibigay niya ay iniipon ko katulad ng bracelet,letters,clip,pati nga balat ng tsokolate na binibigay niya.
Wala lang.Napag-tripan ko lang.

Pero hindi ko naman din trip ang mahulog sa kanya.Sadyang kusa lang.
Kinilala ko siya.Kung sino ba siya.Kung ano ang tungkol sa kanya.Sabi nga ng kaibigan ko,

"Siya lang naman si Java Santa Romana.Ang no.1 sa Rizal.at ang Running Valedictorian ng eskwelahang ito.Get it?"

Isang prinsipe pala ang nagkakagusto sa akin kung ganun.At isang prinsipe rin ang nagustuhan ko.At siya yun.Walang iba kundi si Java Santa Romana.

Niligawan niya ako.Madalas kaming manuod ng sine,pumunta sa malls o park.Kumain ng mga streetfoods o kaya sa restuarants.Masaya siyang kasama.

Tinanong ko siya.

"Bakit mo ako gusto?"

Ngumiti ito.

"Hindi lang gusto Kye.Mahal kita.Kasi ikaw si Kye Ventura.Kaya mong patibukin ang puso ko ng ganto kabilis."

Hinawakan nito ang kamay ko at nilagay sa bandang dibdib nito.

"Sapat na yun para magustuhan kita.'"

At sa mga salita niya,tuluyan na akong nahulog.

Isang linggo na lang at graduation na namin.Sa wakas magtatapos na kami.At pagkatapos ng graduation tsaka ko siya balak sagutin.Gift ko sa kanya bilang siya ay Valedictorian namin. Ilang araw kaming busy at di nagkita para sa pag-aayos ng mga requirements namin.

No dates.

No text.

No chat.


And this it! Our Graduation day!

"Kylie Ventura!"

Umakyat na ako sa stage at inabot na sa akin ang diploma. Dahil sa dami ng estudyante halos tumagal ng isang oras ang pagbibigay ng diploma.At ofcourse may speech for valedictorian.

"Java Santa Romana, the Valedictorian."

Palakpakan ang lahat lalo na ako.Masaya ako para sa kanya.Masaya ang lahat habang nakikinig sa kanya,pero bat parang siya hindi.
Ang lungkot ng mata niya.

"Sa muli nating pagkikita,Paalam!"

Sa puntong iyon nagtagpo ang mga mata.

Hindi siya ngumiti.Walang kahit anong reaksyon.

Parang may kakaiba,Parang may mali kay Java.

Muling nagpalakpakan.Pagkatapos ng speech niya ay biglang nagsitayuan na at nagsihagisan ng mga sumbrero ang mga gradutes.Kahit na nga pinagbawal ang paghagis.

Hinanap ko si Java.Magulo na kasi ang paligid.Halo-halo na ang estudyante at magulang.Hinanap ko siya.Nagtanong pa ako sa kaklase niya pero di daw nila alam.
Nakita ko yung kaibigan niya.Ang sagot nito ay,

"Paalis na si Java,papuntang America.Ngayon na mismo yung flight nila."

Ha?Paalis?Ngayon?

Tsaka ko biglang nakita na pasakay na siya sa kotse nila.

"Java!"

Sabi na may mali talaga kanina.
Tumakbo ako palapit sa kotse nila pero nauna itong umandar.

"Java!"

Wala akong pake kung magmukha akong tanga.

"Java!"

Wala akong pake kung maraming napatingin sa akin dahil sa pagsigaw ko.

"Java!"

Hindi tinted ang kotse nila kaya nakita ko.
Nakita ko na nakita ako ni Java na tinatawag siya.

Pero bat ganun.

Bat parang wala man lang siyang reaksyon.

Aalis lang siya ng ganun.

Malayo na yung kotse nila Java,pero nakatingin pa rin ako sa dinaanan nila.

Ganun na lang yun.Mang-iiwan na lang siya bigla.Di man lang nagpasintabi.

Hindi niya ko girlfriend,pero nililigawan niya ako tapos di man lang nagsabi na mang-iiwan na pala siya.

"Pa-fall ka..'"

Kaya ayokong mahulog nung una.Kasi baka pag nahulog na ako sa kanya,tsaka niya ako ilalaglag.Masakit.

"Pa-fall.."

Naiiyak na ako.

Tsaka ko naramdaman na may tumabi sa akin.Sabay bigay ng panyo.

Sandali...

Sino ba to?

Napatingin ulit ako dito tsaka sa suot na t-shirt nito.
Sasabihin ko na sana pero naunahan ako nito.


"Your Prince."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When The Words CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon