Nakakainis yung gilagid na yun! Lagi nalang ako yung pinag tritrpan niya. Edi dapat pala naglinis nalang muna ako kanina sa school. Badtrip dre.
So ayun, tambay nanaman ako sa kwarto, nanonood ng kdrama.
bumaba na muna ako, kasi nagutom ako bigla.
"Nak, ibigay mo naman ito sa kapitbahay natin." sabi saakin ni mama habang may hawak na mangkok.
"ano yan Ma?"
"Menudo. Ang dami ko kasi na luto. Tatlo lang naman tayo ka-kain dito, kaya bibigyan ko nalang yung mga kapitbahay natin"
"Eiiii, ayoko! Si Jewel nalang" pag iinarte ko. Ayoko kasing lumalabas eh.
"Kita mong nag aaral ang kapatid mo eh! Ikaw, ang tamad tamad mo talaga! Isusumbong kita sa tatay mo"
"Akina yan, dadalhin ko na doon!" sabi ko. At pumunta na ako sa kapibahay namin.
*doorbell
Si Jimin pala nag bukas ng gate.
Oo, kapitbahay namin si Jimin.
"Oy Chiminie, pinabibigay ni mudrakels"
"Ano yan?" tanong niya sakin.
"Menudo"
"Para saan?"
"Ang dami mo namang tanong! Tanggapin mo nalang!" sambit ko.
"Ang sweet naman ng mother mo sakin. Paki sabi, thank you ha?"
"Leche, unano." bulong ko sa sarili ko.
"oh? Nabigay mo na ba?" bungad saakin ni mama pagka uwi ko.
"Opo"
Jimin's POV
Andito kami lahat sa bahay ko. Dare, dare nanaman. Ang hilig nilang laruin yun eh.
"Ya, I dare you na back hug mo si Ya Jin habang nag luluto" sabi ni Taehyung kay Namjoon.
"Ang lakas ng amats mo, Tae Tae"
"Go Ya!" sabi naman ni Jungkook.
Ya= Kuya
Tumayo na si Namjoon at niyakap na si Ya Jin sa likod.
NAKSSSS. MOMMY JIN AND DADDY NAMJOON.
"Si Yoongi naman!" Sambit ni Ya Hoseok.
"Lagi mo nalang ako trip! Pakainin kita ng damo dyan eh!"
"Meron kang damo? Penge ako, gutom na ako eh. Hehehe" sagot ni Hoseok.
*Doorbell
"wait lang ah, buksan ko lang yung gate" pag papa-alam ko sa mga kaibigan ko.
Pag ka bukas ko ng gate, Si Princess bumungad saakin
"Oy Chiminie, pinabibigay ni mudrakels"
Namiss ko yung pag tawag niya saaking Chiminie.
"Ano yan?" tanong ko sakanya.
"Menudo"
"Para saan?"
"Ang dami mo namang tanong! Tanggapin mo nalang!"
Hindi pa rin siya nag babago, masungit pa rin siya
"Ang sweet naman ng mother mo sakin. Paki sabi, thank you ah?"
May sinabi pa siya saakin bago pa siya umalis eh, hindi ko lang narinig.
"Sino yun Ya?" tanong sakin ni Taehyung.
"Si Princess, binigyan ako ng Menudo"
"Si Princess ba yung kaninang hinawakan ni Yoongi sa kamay?" Tanong ni Namjoon.
"Siya nga."
"Ah! Alam ko na ang ida-dare kay Yoongi"biglang sigaw ni Jungkook.
-------------
Ano kaya naisip ni Jungkook na dare para kay Yoongi?
Vote kayo bessy! hehe
