Part 2

67 13 4
                                    

"Oh ma, eto na yung suka't toyo"

"Ang tagal mo naman!" Bago niya pa ako makurot satagiliran ko, tumakbo na ako papunta sa kwarto ko.

---next morning---

"Uy Ate! Gumising ka na daw sabi ni mama! Late ka nanaman!"

"ehhhhh! Oo na tatayo na! Umalis ka na!" sabi ko sa kapatid kong si Jewel.

Grabe, ang sama ng napaniginipan ko. Napaniginipan ko yung gilagid ni Yoongi saka may dwende na si jimin.

naligo na agad ako tas nag bihis. Hindi na ako kumain kasi late na talaga ako.

WHOOOOOO LAST DAY NA NAMINNNN.

Test nalang naman namin ngayon kaya maaga ang uwian namin. Tatakas nalang ako mamaya sa pag lilinis hahaha.

>>>>

finally!tapos na rin ang test. Grabe, sumabog utak ko dun ah.

YESSSSS VACATION NAAAAA!!!

"Cessa, tulungan mo naman kami mag linis"

"ah sige, wait lang, mag c-cr lang ako" pag papaalam ko sa mga kaklase kong nag papakahirap mag linis.

Syempre, joke lang na gagamit ako nang cr. Uuwi na talaga ako. Nakakatamad mag linis eh hahaha. Bad girl na kung bad girl.

Habang ako'y pa uwi na, may naramdaman akong may humawak sa kamay ko. Pag kalingon ko, nakita ko si--

Min Yoongi's POV

Andito kami ng mga barkada ko sa kanto, wala lang tambay tambay lang.

"pre, truth or dare tayo!" sabi netong namjoon na to.

"tara, tara" pang sang-ayon ni chiminie

"Si Yoongi mauuna!" sabi naman netong Hoseok habang kumakain ng damo.

"weeehh. Bida bida ka nanaman Hoseok. Bat di ikaw mauna? Yoko sumali sainyo!"

"triggerd ka naman masyado,babe" sabi ni Jimin sakin ((A/N: YOOONNMINNNN))

"Goes away!"

"bobo mo talaga mag english ya! Go there kasi yun!" sabi ni Jungkook.

"tol, yun oh!" sabi ni Jin sabay turo dun sa babae.

"Go na Yoongi, hawakan mo lang yung kamay niya! You can do it!" sabi ni Namjoon.

"Go Min Yoongi!" pang che-cheer saakin ni Taehyung.

Hays, wala na akong magagawa. Pinuntahan ko na yung babae, saka ko hinawakan yung kamay niya

"TANG INA MONG GILAGID KA! BAT MO HINAWAKAN YUNG KAMAY KO HA!?" sigaw saakin nung babae.

Siya yung napagtripan kong hingiin yung number kahapon. Si Princess.

"Ahh, ehh--" bago ko pa sabihin yung sasabihin ko,

binatukan niya na akong napaka lakas. Ang brutal naman netong babaeng to!

"ANO?! PUTA DARE NANAMAN BA YAN AH?!"

"NAPAG UTUSAN LANG AKO!" sigaw ko rin sakanya.

"MAKA ALIS NA NGA!" at umalis na siya.

Pag ka tingin ko sa mga tropa ko, tawa sila ng tawa.

Tumakbo na ako papunta sakanila at isa isa ko silang binatukan. Punyeta kasi tong mga kaibigan ko eh.

-----------------

|| DARE || MIN YOON GI Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon