-Flashback-
Umiiyak ako habang tumatakbo.
Huminto na ako sa labas ng school at sumilong.
Bat ngayon pa umulan. Hays.
Umupo muna ako sa bench. Hihintayin ko nalang tumila ang ulan.
Nagpakipot pa kasi ako ng isang taon eh.
PERO BAKIT?! ANO MERON?! NILILIGAWAN NIYA AKO TAS SILA NA NI GAIL. ANO TOOO HA?! PAKI EXPLAIN PLS.
"Teh, may chika ako sayo" -girl 1
"Chismosa ka talaga, ano na naman yun?"-girl2
"Alam mo bang niloloko lang ni Jimin si Princess?"
ABAAA!! HINDI BA NILA ALAM NA NANDITO AKO. HEELLLOOO! HINDI KO NGA SINASABI SA IBA NA NILILIGAWAN AKO NI JIMIN. PAANO NILA NALAMAN YUN. CHISMOSA LVL 99999.
"Oh talaga?Paanong niloloko?"
"Nililigawan niya si Gail habang nililigawan niya si Princess."
"Aba maharot"
"Eh pero, diba beshy sila? Impossible naman na hindi niya sinabi yun kay Princess."
"Secret lang daw muna yun. Yun ang alam ko kaya yun."
"Pero wait, bat niya nililigawan pa si Cess?"
"Ginamit lang ni Jimin si Cess para maging close sila ni Gail. Niligawan niya na si Cess para mas maging malapit siya kay Gail. Then Last week lang nanligaw si Jimin kay Gail, eh eto namang si Gail malantod rin kaya ayun, sinagot niya na ngayon si Jimin"
DAHIL NAKAKAINIS SILA, SINUGOD KO YUNG DALAWA.
"ANONG PROBLEMA NIYO SAKIN HA?!"
"Wa-wala po"
Akmang sasabunutan ko na yung dalawa pero naka takbo na agad ito.
WALANGHIYA KA JIMIN.
ANO AKO BOLA?!
ANO AKO TULAY?!
MGA TRAYDOR.
----next day----
May pasok na naman.
Ayoko pumasok, makikita yung dalawa. Sakit nila sa mata.
Saka mugtong mugto ang aking mata.
>>>
Pag dating ko sa school, nakita ko si Jimin na nasa canteen.
Binilisan ko nang mag lakad. Baka makita niya pa ako.
But it's too late.
"YSAAA"
Huminto naman ako.
"Ysa, pupunta ka na ba sa cla-"
"Masaya ka na?"
"Huh? Ano ibig mong sabihin?"
"Masaya ba manloko?"
"Ysa, ano bang sina-"
Bago pa siya matapos sa sasabihin niya, sinampal ko na siya.
"Pa inosente ka pa! Alam ko na lahat ng nangyari! Ano?! Ginamit mo lang naman ako eh para maging close kayo ni Gail! Nakuha mo na yung gusto mo kaya tantanan mo na ako! Mag-sama kayong dalawa!"
Tumakbo ako palayo sakanya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Pag ka-tapos noon, hindi ko na sila ulit pinansin kahit lagi nila akong kinukulit. Hindi na babalik lahat ng mga pinag samahan namin sa isang sorry lang. Saklufff meen. Mushakeyt ehh. Ginawa ba naman akong bola. Ganon na ba ako ka manhid? Bat hindi ko alam na ginagamit niya lang ako? Masyado kasi akong naniwala sakanya. Akala ko mahal niya ako, pero ano to?
Bat ganon nalang kadali sakanya na sabihin ang"mahal kita" sa taong hindi niya naman talaga mahal?
Eh bat ako, mahal ko siya pero hindi ko masabi sabi sakanya na mahal na mahal ko siya.
Karmahin sana kayo.
----------
100 VOTES NA YEHEETT! THANK YOU POWS💋
Vote and comment if you like it.
Sarreh, maikli na naman.
BYEEEIII~~
