Must be joke

36 4 0
                                    

"Huy nabalitaan niyo na ba?!" rinig kong tanong ni Cheche sa mga kaibigan niya -classmate ko. Tsismosa ang mga yan eh!  Pero nakikitsimis din ako sa kanila kasi halos lahat ng bagong balita alam nila.

"May tumalon daw sa 6th floor ng kabilang building!" Kabilang building? May tumalon?! 6th floor?! Teka! Kabilang building... building yun nila Cass.

Bumilis ang pulse ko. Nanlalamig yung kamay ko. Hindi ko alam kung paano ako nakatayoat nakaalis sa pila pero tumatakbo na ako ng pagkabilis bilis papunta sa building nila Cass. Hindi pwede...Please! sana mali yung kutob ko please! Sana mali... 

Nanlalabo ang mga mata ko sa luha. Punas doon punas dyan ang drama ko. Pagtatawanan ako ni Cass nito eh. 

"Ha ha"

Nang makarating na ako sa kabilang building may nakita akong kumpulan ng mga estudyante.

Huminga ako ng malalim at nakisali sa crowd ng ibang students.

"Excuse me, excuse" Saad ko para naman mapunta ako sa harap. Nang makita ko ang pinagkukumpulan ng mga tao. Feeling ko katapusan ko na. Wala na, nagkaroon ng waterfalls sa mukha ko. Nanlalambot ang mga tuhod kong pumunta sa kinaroroonan ng katawan dun. Puro dugo. Nawalan ako ng paki sa lahat. Kahit na mabasa na rin ng dugo yung favorite dress ko na binili ni mama ng nasa Paris siya wala na din akong paki dun.

"Cass naman eh, anong prank 'to..?" Pinipilit ko ang sarili kong tumawa. "Tara na uy! Tayo na dyan!" nakangiti kong sabi pero walang segundo na nawala yung ngiting yun. 

"Tumawag naman kayo ng ambulansya!!!" sigaw ko sa mga ibang estudyanteng nanonood lang sa nangyayari. 

Tama yung kutob ko.  Si Cass nga.


My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon