"Move on "

60 3 0
                                    


Dalawang salita, anim na letra. Madaling sabihin ngunit mahirap gawin.

Hindi mo masasabi na "Nakamove on na ako" kung sa tuwing makikita mo ang taong nagbigay sakit sa puso mo ay hindi mapigilang kumirot nandahil nakikita mo siyang masaya na sa iba.

Hindi mo rin masasabing madaling makamove on kung patuloy mo parin iniisip ang sakit na iniwan niya sa huli niyong pagkikita.

Hindi mo rin masasabing nakalimutan mo yung taong minahal mo ng lubos lubos. Ang taong unang nagparamdam na mahal ka niya at siya rin ang unang nagparamdam ng sakit na hanggang ngayon ay hindi mo parin malimutan.

Ngunit hindi habang buhay nandun ka sa iyong nakaraan. Kailangan mo din mapagtanto na tapos na , wala na kayo at bigyan ng pagkakataon ang iba na pumasok sa buhay mo para mahalin ka.


Broken Heart PoetryWhere stories live. Discover now