Hanggang Tingin lang ako

77 3 0
                                    


 Hanggang tingin lang ako sa taong mahal ko

Masakit? Oo, masakit dahil nakikita ko ang aking mahal na masaya ngunit hindi ako ang dahilan.

Hanggang tingin lang ako, dahil natatakot akong malaman mong may gusto ako sayo. Na magbago ang iyong pagtingin sa akin kapag nalaman mo na may nararamdaman ako sayo. Kaya ito ay itinago ko.

Hanggang tingin lang ako, Dahil alam kong kaibigan lang ang iyong pagtingin sa akin. Kaibigan lang, wala ng hihigit pa.

Hanggang tingin lang ako, habang palihim na iniibig ka sa takot na layuan mo ako. Pero sa lahat ng aking pagtatago ay nangyari ang aking pinakakatakutan. Ang lumayo ka sa akin, na umabot sa puntong walang ako sa mundo mo

Masakit? Oo masakit kasi yung taong matagal ko nang minamahal ay nilayuan ako. Yung taong matagal ko nang minamahal ay parang wala ako sa kanya. Yung taong pinakamalapit sa akin ay wala na.

Ang sakit, sobrang sakit. kaya ngayon heto ako parang ewan na pinagmamasdan ka sa malayo habang masaya at ako? ito hirap parin kalimutan ang isang tulad mo. Inaalala ang mga panahong tayo'y masaya ng kwe-kwentuhan,at magkasama. Ngunit iyon ay wala na. ito nalang ay isang alaala na imposible ng maibalik. Na dapat ng kalimutan

Kaya 15, patawad dahil minahal kita, patawad kasi hindi ko napigilan ang aking nadadama. Patawad kasi ang tanga ng aking puso na sayo pa tumibok. Patawad..... at paalam

Paalam sa masasayang araw na ating pagsasama na ito ay isang nalang kasaysayan ng ating pagkakaibigan . Paalam sa panahon na nasayang. Paalam.

Broken Heart PoetryWhere stories live. Discover now