Sa paglipas ng panahon, wala parin pinagbago kung anong nararamdam ko para sayo
Sa paglipas ng panahon dun ko napatunayan kung gaano kita kamahal
Sa paglipas ng panahon dun ko rin napagtanto kung gaano kasakit na hindi ka talaga kayang mahalin ng taong mahal mo.
Sa paglipas ng panahon dun ako sumuko na imposible na magkaroon ng tayo
Kaya sa paglipas ng panahon makakaya ko rin malimutan ka pati itong sakit na dumurog sa aking puso at hanggang ngayon unti - unti ko parin binubuo
Paglipas ng panahon, wala ka na sa puso't isipan ko.
YOU ARE READING
Broken Heart Poetry
PoeziePara sa mga taong sinaktan o na bubuhay sa isang malaking kahibangan.