Chapter 1

9 0 0
                                    

Mabel's POV
.
..
...
Nang marinig ko ang mga ibon sa labas na nagkakantahan, alam kong umaga na, nang masinagan nang liwanag ang aking mga mata, ako'y nagtalukbong muli upang bumalik sa pagtulog kasi grabe naman e! Sobrang aga oh! 8:00 am palang jusko, And its freaking summer! Wala naman akong gagawin bakit kaylangan nakabukas yung kurtina ko! Ay malamang kelan ko ba sinarado kurtina ko?! Bat kasi nang gising pa yang mga ibon e! Maka tulog na nga lang ulit.

Bago pa man din ako makatulog, biglang tumonog yung phone ko na nakalagay sa lamesa ko, at jusko naman, bakit napakalayo nang lamesa ko sa higaan ko, pilit kong inaabot yung phone ko, usog ako nang usog hanggang sa konting push na lang mahuhulo- *BLAGS!!!*

"aray ko naman."

Ayan, Kakasabi ko palang sayo Mabel, Mahuhulog ka nang di oras dahil sa katamaran mong tumayo. Pinilit ko na lang tumayo para kunin phone ko, Nakita kong si Grania yung tumatawag, also known as my bestfriend, my sister from another mother, my other half, my partner in crime (literally).

"Hoy bessywaps?! Anong oras na?! Bat wala ka pa dito?!"

Ha? Anong wala pa ako dyan? Bakit? Anong meron? Nung tinignan ko phone ko ulit, may nakita akong reminder.

"Beach Picnic today at 8AM with bessywaps, don't be late!"

Haruy lagot, dali dali akong naligo, nag-ayos, at nagimpake nang mga kaylangan, at dali dali rin akong lumabas sa bahay namin para makapag para na nang masasakyan na tricycle papuntang Acapulco Beach, pagtapos nang ilang minutong paghihintay, Nakasakay na ako, at tinignan ko ulit phone ko puro na message ni bessywaps na dalian ko raw, Patay talaga ako neto pag dating ko.

Oh hi! Ako nga pala si Mabel, Sorry kung ngayon lang ako nakapag pakilala sainyo dahil inaantok pa ako kanina, LOL joke, ako si Mabel Orianna Domingo, 15 years old turning 16 na for how many days na lang, medyo excited na ako kasi may sabi sabing pag 16 ka na, dun mo matatagpuan yung para sayo, yung soulmate mo! O diba? Amazing? Wow magic! Diba? Hahaha. Okay balik tayo.

Nung nakarating na ako sa Acaps, Dali dali akong pumunta sa "as usual" spot naming tatlo, nung tanaw ko na yung spot na yun, nakita ko nang nakanguso na yung bessywaps ko kahit na ang layo ko pa hahaha, mambubunganga to for sure, nung nakarating ako na ako, binaba ko na mga gamit ko tapos...

"ANONG ORAS KA NANAMAN BANG NATULOG?! Sino nanamang kaharutan mo kagabi ha? Sabi ko sayo dapat saktong 8 andito ka na, 9 na oh! Bla bla bla bla blah~"

Oh diba? Daig pa nanay ko, sya si Grania Cher Acaso, My bestfriend, kasama ko na to since 6 years old palang kami, so 9 years na kami and still counting of course, kaya sanay na ako sa pambubunganga sya sakin, She just loves me kaya sya ganyan haha.

"Mal, Tama na yan, to naman, ang mahalaga nandito na si Beshie diba?"

Singit naman ni Jett habang nang sesermon pa bestfriend ko. Si Jett Ryland Aquino nga pala, Boyfriend nang bestfriend ko, at bessy bessy ko na rin sya since 2 years na silang magkasama, Amazing diba? Magka live in na nga rin e. Ah may napansin kayo? Oo isa akong dakilang thirdwheel sakanila, dahil wala akong love life, halata naman diba? Pero no big deal, Katatapos ko lang kasi sa heartbreak nung kumakaylan lang kaya ayaw ko muna nang love life na yan, pahinga muna puso ko sa ganyan. Sa ngayon magpapakabitter muna ako sa dalawang to.

Nung tapos na bestfriend ko, inaya nya akong bumili nang drinks sa tindahan kasi nakalimutan nilang bumili, so iniwan muna namin si Jett para bantayan mga gamit, Bumili kami nang softdrinks na litro, dalawa, kasi matatakaw kami haha.

Pagbalik namin sa spot, Nakita naming naglalaro si Jett sa sand na may nakalagay na seaweeds sa ulo nya at nagpapanggap syang maging serena, kinuha ko phone ko para ivideo sya at aba, nagpapretty pa ang baliw, tumakbo si Grania papunta kay Jett, para masama sa video, Nagpepeace sign si Grania tapos ngumunguso naman si Jett, Tapos nalapit nang konti si Grania, Hinalikan sya sa noo ni Jett at ako naman syempre, Bitter, Pinindot ko agad yung stop sa pagvivideo ko, kasi nga bitter ako ano ba.

"Bitter mo talaga beshie!"

Sigaw nilang pareho, Naupo na lang ako sa kahoy na nakalagay sa spot namin, habang yung dalawang maharot nandun sa malapit sa dagat na naglalaro laro, ang sweet nila, naiinggit ako, hays, ginising ako nang paka aga aga para lang makita ko kasweetan nila at para mabitter ako, buhay nga naman oo. Tinignan ko yung nakalagay sa malaking kaserola, tinanggal ko muna yung mga plato at tinidor, Nung nakita ko kung ano yung nasa loob, Napangiti ako at napatingin sa dalawa, Kasi niluto talaga nila yung gusto ko, Pansit hehe yey! Hindi talaga ako kinalimutan nang mga to, inuna pa talaga nila yung gusto ko.

FLASHBACK~

"Beshiewaps, I want pansit." Sinabi ko kay Grania habang nakayakap ako sa braso nya, mala pusa na yung dating ko nung sinasabi kong gusto ko nang pansit pag nag picnic kami sa Dagat

"Grabe ka, Pansit talaga? Birthday beshie? Birthday? E picnic lang naman yun ah. Ayaw mo nang egg sandwich ganern?"

Sinimangutan ko na lang sila tapos sinabi kong sila na ang bahala, since di ako makakapag ambag, sabi ko sila na ang bahala sa gusto nila, hindi naman ako picky, sadyang gusto ko lang nang pansit so badly nun. Nagtinginan si Jett at si Grania na may di malamang expression sa mukha nila, tapos nginitian na lang ako.

Nung tinext nila ako na mamamalengke sila na bibili sila nang foods para sa picnic, Sabi ko gusto kong sumama, pero sabi nila wag na. Nagtampo ako that time pero wala naman akong magagawa kasi manggugulo lang din naman ako kaya whatever haha.

Flashback ends~

Di man lang nila sinabi sakin na magpapa-pansit sila, Mahal ko talaga tong mga to. Laging ako nalang inintindi, Nung nakita ako nung dalawa na nakatingin ako sa pansit biglang sumigaw si Jett

"Ayieee, Kakain na yan, alam naming gusto mo yan kaya yan yung niluto namin para sayo."

Tumayo ako sa kinauupuan ko tapos nilapitan ko sila, niyakap ko yung bestfriend ko at tinapik ko sa likod si Jett

"Kaya pala ayaw nyo akong isama sa pamamalengke nun ah."

Nagtawanan na lang kami that time, see Di ko kaylangan nang love life na yan para maging masaya, Yung pagmamahal palang nang mga kaybigan ko sapat na, nakakataba na nang puso yung mga ginagawa nila sakin, ano pang gagawin ko sa Love life diba? Hehehe.
.
..
....
.....

At the age of SixteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon