Chapter 2

6 0 0
                                    

GRANIA'S POV

Excited na excited na ako! Katatapos lang naming magluto ni Jett my loves nang pansit, Suprise to para sa Bessywaps ko kasi nga, Gustong gusto nya nang pansit everytime na involved ang dagat, ewan ko ba dun, weirdo e, pero kahit ganun yun love ko yun.

Hi! I'm Grania Cher Acaso, Wag mo nang tanungin height ko please? Mas matangkad lang talaga kayong lahat, hmph! So I'm a year older than my bessy, I'm already 16, at yes, as you guys already know, My boyfriend na ako, si Jett. Looks like na Nahanap ko na yung dulo nang red string ko kaya ayun, My bessywaps is still 15 years old, excited na ako para sa Sweet 16 nya so before that happens, I want to be with her sa dagat. Okay back to the story.

Tinawagan ko si Bessywaps but No answer, Baka nagaayos na sya, just in case I left a message
"Bessy, On the way na kami sa Acaps, we'll see you there~"
Kinuha na ni Jett mga gamit, at kinuha ko na rin bag ko, Nag abang na kami nang Tricycle, medyo mahirap hirap makapara dito saamin kasi looban pa kami, But luckily, may dumaan agad, Kaya sakay na us, It takes 15 minutes or more bago makarating nang acaps, Tinext ko ulit si bessy kung where na sya pero no reply parin, baka andun na? Hmmm, I asked Jett kung ano na kayang ginagawa ni bessy, he just shrugs, well medyo ewan din ako bat ko sya tatanungin about my bessy, nakikita nya ba, hay nako Grania.

Nung nakarating na kami sa Acaps, Huminga ako nang malalim at grabe, Ang sarap nang hangin.
(DON'T YOU FREAKING DARE ASK ME HOW IT TASTE! I'M SO SICK OF IT.)
Binaba muna ni Jett yung mga gamit, at niyakap ako sa likod, naramdaman ko rin na hinalikan nya ako sa likod nang ulo ko.

"Mal, gusto ko lang na malaman mo, Mahal na mahal kita."

Gulat ako bes, anong meron? Tinignan ko sya na nakakunot yung mga kilay ko kasi parang alam ko na to.

"Mal, alam ko na yang ganyang tingin mo, nanlalambing lang ako wala akong ginawang kasalanan."

Napangiti na lang ako kasi kilala nya na ako kahit hindi ako magsalita alam nya na. Kinuha nanaman namin yung gamit, at nilakad na namin yung pinaka favorite spot namin, Dun kasi meron na syang upuan! Made out of wood of course, tapos may puno pa, parang malaking payong na yun para pag mainit na, tapos wala pang ganong tao dun banda, at maganda yung tanawin kaya dun yung gustong gusto namin ni Bessy. Syempre puro kasi kami selfies dun at photoshoot session to the max, pero kahit na favorite spot namin yun, did my bessy forgot to mention na NAPAKA LAYO NANG SPOT NA YON?! Yes, Naka tricycle kami, but end of the road na kasi sa pinaka bungad so kaylangan lakarin hays, kapagod pero worth it naman para samin. Nung natanaw ko na yung spot na yun, Wala pa akong nakikitang kahit sino, kahit si Bessy wala pa, lagot sakin tong babaeng to kung nakalimutan nya tong araw na to.

Nakarating na kami dito sa Spot, binaba na namin mga gamit namin, at kinuha ko na rin phone ko, tinawagan ko na si Bessy kasi panigurado, tulog pa tong bruha na to.

*Ring....ring...ring...ring.....RING RING RING!!!!-toot, "Yes bakit why bessywa-"

Bago pa man din matapos ni Bessy yung sasabihin nya, nagalit na ako, tinanong ko kung bakit wala pa sya, tapos natulala muna yata sya sa kwarto nya at may narinig na lang akong malakas na pagbukas nang pinto.

"Ay oo nga, sabi ko nga! Sige on the way na ako! Nag aabang na ako nang tricycle oh! Sige na bye-toot*"

Nagaabang... kaya pala may narinig akong faucet na biglang binuksan... kumuha ako nang bato sa kinatatayuan ko nun tapos napansin ata ako ni Jett bago ko pa mabato, pinigilan nya na ako.

"Mal, Chill, alam mo naman yang bessy mo, di ka na nasanay, at leasts nag mamadali na syang papunta dito, malapit lang naman bahay nila dito diba?"

Nagpout na lang ako, tapos inutusan ko syang umupo at mahihiga ako sa lap nya, ginawa nya naman. Malapit nga bahay nila dito, Pero maglalakad parin sya nang pakalayo layo para makarating dito. Ilang minutong nakalipas na recieve ako nang text galing kay Bessy

"Ontheway na ang me, please don't get mad, ay wait mali, mad ka na pala, reduce na lang sa pambubunganga mamaya okay hahaha labyou."

Hay nako naman this girl, always na lang, bubungangaan ko parin to. Habang nakahiga ako sa lap ni Jett, nakasandal si Jett sa puno at aba, nagawa pang makatulog nang hype na to, amazing, kahit saan talaga kayang matulog neto.

Nung nakarating na si bessywaps, Sinermonan ko sya pero deep inside napaka excited ko na dahil andito na sya, nung tapos na akong mangsermon, niyaya ko si Bessy na bumili nang softdrinks at jusko malayo nanaman lalakarin pero lakwachera tong bessy ko may alam syang shortcut.

"Hindi ko naman talaga alam tong daan na to e bessy, Dito lang talaga kami dumaan ni Steve nung tumambay kami jan sa Dagat."

Nakangiti bestfriend ko pero iba yung mata nya, Hindi na lang ako nagsalita, si Steve kasi yung ex nya, Minahal nya kasi nang sobra, Si Steve pa ang naging dahilan nang pag uwi ni bessy dito. Kasi taga Bataan talaga si Bessy pero nagpalipat sya dito for him pero sinayang lang ni Steve at sobrang disappointing talaga, ansarap nyang ilibing nang buhay. Pogi si Steve pero ogags naman, hay nako. Madaming nabibilib kay Mabel kung gaano sya mag mahal, hindi daw nila maimagine na ganun si Mabel, pero ako naniniwala ako, mapagmahal talaga si Mabel sa lahat, inuuna nya yung iba kesa sa sarili nya pero ngayon parang wala sya sa sarili nya, masayahin sya nuon at makulit, Siguro dahil sa nangyare sakanila ni Steve, Hindi pa siguro fully recovered bestfriend ko sa break up nila. Pero let's not talk about that, Sa ngayon gusto kong happy kaming lahat.

"Tao po! Tao po kami promise!"

Ay iba to. Dumating na yung aleng nagtitinda, nakangiti na sya nung dumating, narinig siguro kaabnormal nang bessy ko.

"Akala ko naman alien na yung bumibili, ano yun iha?" Sabi nung ale.

"Luh, alien ho agad? Malay nyo aswang, hehe Softdrinks po, Yung malaki na po, soli rin po namin bote don't worry, jan lang po kami sa Dagat."

Inabot na nung ale yung dalawang softdrinks at inabot na rin ni bessy yung bayad nya. Nung pabalik na kami, napansin kong huminto si bessy tapos may tinitignan sya.

"Bessy? May nakita ka bang fafa? Bat napatigil ka jan?" Sabi ko sakanya with tapik tapik pa sa balikat. Nung napansin nya ako, Namula yung abnormal, andali talagang basahin. Nung nakita ko kung saan sya nakatingin, nainis lang ako. Bahay pala nila Steve yung tinitignan nya.

"May nakasabit kasing unggoy dun sa puno kaya tinignan ko lang hehe."

Hinayaan ko na lang sya sa sinabi nya at hinila ko na sya nang makabalik na kami sa place namin, nakita ko yung mata nya nanaman na punong puno nang lungkot, kaya ko sya hinila.

Nung pagbalik namin, nakita ko si Jett na nagmumukhang ewan sa tabi nang dagat, feeling serena yung wilab, nagmamaganda, makajoin nga, vinivideo na kami ni Bessy nun at tawang tawa sya sa itsura naming dalawa ni Jett e kaso medyo aanga anga din si Jett bigla ba naman akong hinalikan sa noo, nung nilingon ko si bessywaps nakatalikod na sya, papunta sya dun sa upuan, hinampas ko yung hita ni Jett.

"Anlandi mo talaga, pwede ba? Kahit ngayon lang wala munang landian!" Sinabi ko sakanya yun habang onti onti ko syang kinukurot, pilit nya ring tanggalin kamay ko nun.

"Bakit nanaman ba Mal? Anong meron?" Sabi ni Jett, Bigla kong tinuro si Bessywaps at sinabi sakanya na wala sa magandang kondisyon yung emosyon ni Mabel kaya umayos ayos sya kako, ngumingiti lang yan pero alam kong deep inside malungkot yan, lalo na't ang lapit lang nang bahay nang ex nya dito. Sinasabi ko sakanya yung mga yun pero kinukulit nya ako at naglalagay sya nang seaweeds sa ulo ko, aba loko! Nagkukulitan na kaming dalawa, Grabe kasasabi ko palang na wala munang harutan pero di ko matiis tong mokong na to. Habang nagkukulitan kami, nalingon ko saglit si bessy at nakita kong chineck nya na yung niluto naming pansit, Nakangiti sya at pumunta bigla samin, niyakap ako. Liit nang kaligayahan mo bessywaps hahaha, pero okay na yun, at least masaya ka.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

At the age of SixteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon