Prologue

9.1K 142 10
                                        

----

Prologue
----------

Stacey Skylei

"You may know kiss the bride" kasabay ng pagbikas ng pari ng mga katagang yan ay ang pagbagsak ng mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Napuno ng mga pagbati at hiyawan ang buong simbahan, ngunit parang wala akong marinig, nakatingin lamang ako sa dalawang pigura ng tao na nasa harap ng altar na pinagsasaluhan ang unang halik nila bilang mag-asawa.

All I can feel is a painful pang in my chest, I want to be happy for the both of them but my heart is not cooperating with me.

I wiped my tears and bit my lower lip to prevent myself from sobbing.

Hindi pwedeng makita nila kong ganto,matagal ko nang pinahandaan ang araw na to, sabi ko sa sarili ko hindi ako iiyak, kahit anong mangyari i will not cry,pero muli na naman akong binigo ng katawan ko. Wala na kong nagawa kundi ang hayaan na lamang ang luhang patuloy na umaalpas sa mga mata ko.

"More!More!" sigaw ng mga tao habang pumapalakpak at nagsitawanan.

"Isa pa?" tanong ni Laurence habang tumatawa, pinalo naman ng kanyang asawa ang dibdib nya.Kitang kita ang pamumula ng pisnge nito dala ng hiya, naghiyawan naman ang mga bisita dahil don.

Nakita ko ang pagngisi ng aking kaibigan na si Laurence, tsaka hinawakan sa magkabilang pisnge si Artemis at mulingsiniil ng halik.

Napaiwas ako ng tingin nang maramdaman ko na naman ang kirot sa aking dibdib.

Ilang beses ko nang nasaksihan ang ganong senaryo pero parang hindi parin sanay ang puso ko.

Ganon parin.

Muli kong pinunasan ang aking luha at nakisabay sa palakpak.

Natigilan ako nang mapansin kong nakatingin sa gawi ko si Laurence.

Nakangiti sya sa akin at kumaway.

Ngumiti ako sa kanya pabalik.

"Finally" I mouthed.

He nod to me and smiled wider.

Kitang kita ko ang kasiyahan sa mata nya, sabagay sino bang hindi masasayahan kung naikasal ka na sa taong mahal na mahal mo.

Muli ko syang ngiitia at sumenyas na aalis na ko.

Tumango sya sa akin at k justumaway ,kumaway ako sa kanya at sinimulan na ang paglaalkad paalis.Sa pag-alis ko ay nagsilapitan na ang mga bisita upang magpakuha ng litrato sa agong kasal.

Lumabas ako ng simabahan ng mabigat ang pakiramdam.

Pinipigilan muli ang pag-iyak dahil baka may makakita, maraming mata sa paligid mahirap na.

Nang makarating ako sa kotse ko ay agad akong sumakay.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko , hinagod hagod ko pa ang aking dibdib dahil medyo nahihirapan akong huminga.Napasandal na lamang ako sa aking kinauupuan, dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Her Worth (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon