Glaiza
First time kong sumakay ng public bus at napilitan pa. Pinili kong lumayas at siguro nga mapride ako para hindi gamitin ang kotse ko sa paglalayas. Mabuti na rin to, para hindi nila malaman kung nasaan ako, maaga pa at sigurado nasa isip nila tulog pa ako. Backpack lang dala ko, mga ilang araw lang naman. Bakit nga ba ako naglayas? Maliit na dahilan lang ba? Dahil hindi napagbigyan ang gusto ko?
"May nakaupo?" gising ng boses sa pag iisip ko, I lifted up my head and I saw a beautiful and angelic face.
"What?" wala sa loob kong tanong.
"Are you a foreigner?" pag iba niya ng tanong.
"Hindi." sagot ko sabay ayos ng upo.
"Ah ok, akala ko foreigner ka. Sabagay mukha kang latina ay hindi parang mexicana ba?" ulit niya at tiningnan ko lang siya. "May nakaupo?" tanong niya ulit nang hindi ako nagsalita.
"Wala..." sagot ko.
"Akala ko meron kasi nakaupo yang bag, alam mo yon. Naka reserve sa kasama mo kaya pinaupo mo ang bag mo habang naghihi—-"
"You can seat if you want." preno ko na sa kanya sabay hila ng bag ko at lingon sa labas. I wish na umalis na tong bus na to.
"Ok, salamat." sabi niya sabay lagay ng bag niya sa overhead compartment ng bus. "Gusto mo lagay mo yang bag mo dito para hindi ka nahihira—"
"No, thanks." tipid kong sabi at saka lalo kong niyakap ang bag ko.
"Hindi ako budol budol, Miss. Eto ID ko oh." sabi niya sabay abot ng ID niya sa akin. Pero hindi ko siya nilingon. "Ok lang, mabuti na talaga ang sigurado, mahirap na talaga magtiwala sa mga panahon ngayon marami ng manloloko." she said but I didn't say a word instead I closed my eyes, pulled over my hoodie covering my face and pretend to sleep.
"Rhian!" rinig kong sigaw ng isang lalaki.
"Dito na ako, Manong!" sigaw ng katabi ko. Now I know your name sabi ko sa sarili. Malapit sa dulong likod kami nakaupo. Actually dko alam bakit dito ako nakasakay, basta gusto ko lang agad makaalis sa lugar na ito. At ito ang nakita kong bus pagbaba ko ng taxi. Sabi ko sa sarili ko kung saan ako ibababa ng taxi na terminal ng bus don ako sasakay.
"Ok alis na tayo." sabi ni manong kundoktor. I breathed a sigh of relief. Walang nakasunod sa akin. It's 5 in the morning, wala naman siguro maghahanap sa akin ng ganitong oras, I turned off my phone. I brought cash. The bus started to move and I opened my eyes to look outside the window.
"Taga Baguio ka?" Naman, binabantayan ba ako ng babaeng to? Nagmulat lang ako ng mata nagsalita na ulit. Hindi ako umimik. "Mahirap bang sagutin ang tanong ko?" Oo mahirap, mahirap mong magets na ayaw ko makipag usap sa'yo sagot ko sa isip ko.
"No and no sagot ko sa mga tanong mo." I seriously said without looking at her.
"Ok. Pasyal lang?" tanong niya. Gusto ko ng mainis pero nagpipigil lang ako. May kakaiba sa boses niya na dko maintindihan pero ang kulit lang niya.
"Oo." tipid kong sagot at pumikit muli habang yakap yakap ko ang bag ko.
"Matulog ka lang ng maayos, huwag ka magalala hindi ako magnanakaw. Gusto mo babantayan pa kita at bag mo." Sabi niya muli sa akin.
"I'm good. Thank you." Sagot ko lang. Hindi ako nagmulat ng mata.
"Malakas ang hampas ng hangin, hindi ka makakatulog niyan." Singit na naman niya. Hindi lang pala cash at damit ang dapat kong baunin sa biyahe na to, kundi isang drum na pasensiya. Nagmulat muli ako ng mata at saka ko lang napansin ordinary bus pala ang nasakyan ko.
BINABASA MO ANG
RASTRO/JATHEA Short Stories.
FanfictionShort Stories po mga ka Rebels. Sana ay maibigan niyo bawat kwento. Purely fictional. Credit to the owner of the pictures.