Bus (4)

1K 82 12
                                    

"One down...many to go." Biro ni Chynna sa akin. We went first to National Kidney Institute. Pero wala siya don.

"Maliit lang ang Manila kumpara sa buong Pilipinas, Chynn. Hindi ganon kahirap maghanap."

"Oo nga mas mahirap pa gumawa ng assigments d ba?" Balik niya sa akin at tiningnan ko lang siya. "Ako ang mas excited na makilala ang mystery girl mo, Glai. Dahil sa kanya kinakausap mo na ako ngayon." Pag iba niya ng usapan.

"I don't have a choice..."Kunwa kong sabi.

"Kahit na kinakausap mo pa rin ako." Ulit niya. Matagal na kaming hindi naguusap dahil para siyang si Papa puro sermon mula ng hindi ko nanaman tinuloy ang huling kinuha kong kurso. "Tawagan ko na lang contacts ko sa ibang hospitals habang nagdadrive ka. Pasalamat ka may kaibigan kang Asst. Head ng hospital." Pagmamayabang niya sa akin.

"Naging head ka lang naman dahil anak ka ng may ari."

"Hoy, Glaiza. FYI, magaling akong doctor kaya naging head ako ng hospital namin." Pagmamayabang niya.

"Kabago bago mo pa lang. Kapapasa mo nga lang eh."

"Anong deprensiya don? premed pa lang naman diyan na ako sa hospital. Hindi lang pala, doon na ako lumaki sa hospital namin."

"Oo na."

"Ako nga doctor na. Ikaw?"

"Oo na nga sabi kaya tumigil ka na." Banta ko sa kanya.

"Masakit talaga ang katotohanan na doktor na ako samantalang yong classmate ko sa premed..."

"I said stop it, Chynn" preno ko sa kanya at sabay suko na niya. Tahimik na ako habang naririnig ko siyang nakikipag usap sa mga contacts niya. My second course is nursing out of curiosity. Doon ko nameet si Chynna, who's a medtech student at that time. Then I shifted to her course but after a year I just dropped again and took business course. After a while I stopped again. Kaya inaaway ako ni Chynna. She's the only closest friend I have but we parted ways when I totally stop schooling. Every time we patch our misunderstadings she'll remind me of my future but I keep ignoring her. Sabi ko hintayin ko na lang ang mana ko at doon siya galit na galit. Siya na nagiisang tagapagmana ay laging nasa hospital nila para tumulong kahit nong nagaaral pa lang siya. I can't convince her to skip classes. She's faithful to her partner and devoted to her profession. A loving and responsible daughter. Sabi nga ni Papa sana daw ay tularan ko siya, sabi ko noon kay Papa siya ang tutulad sa akin. But I failed, tulad siya ni Rhian ang tanging pagkakaiba nila ay ang estado nila sa buhay.

"I think we found her." Naputol ang pagalala ko sa nakaraan.

"Where is she?" Kita ang gulat sa mukha ni Chynna.

"Wow, Glaiza ikaw ba yan?" pansin niya.

"Tell me..." Hindi ko pagpansin sa comment niya.

"Just drive straight and we'll get there." sabay kindat niya sa akin.

- - -

We're now here standing near at the door of the hospital ward. I can't get in, hindi ko alam kung bakit pero masaya ako dahil makikita ko na ulit siya. Chynna's contact person described the patient and I'm sure siya si Rhian. Rhian Denise Ramos is her full name. The operation was yesterday, Bianca didn't tell me and I understand her.

"Hindi ka papasok?"

"Ha?"

"Para ma confirm mo yong pasyente." Si Chynna

"Kinakabahan ako..." Bulong ko sa sarili.

"Bakit naman? Kanina na lang halos paliparin mo na yong kotse tapos ngayon para kang ibinaon na poste diyan at hindi ka na makagalaw."

RASTRO/JATHEA Short Stories.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon