Bus (5)

1.6K 99 41
                                    

Rhian

"Bakit dito kami titira?"

"It's just a small townhouse, Rhi. Ayaw mo sa condo so sana huwag mo ng tanggihan ang bahay na to."

"Malaki pa rin to, Glaiza."

"It's near the schools na pwede mong pasukan at the same time malapit sa work na papasukan ni Tita, iniisip ko lang yong convinience sa lahat ng pupuntahan niyo."

"Binili mo to?"

"No, actually this is where I am staying when I was still in college, bigay ng magulang namin sa aming magkakapatid since malayo ang bahay during school days dito kami. It has 3 rooms. You and Tita can stay in the second floor if you want."

"Makikitulog muna kami dito?"

"Yes, until makahanap kayo ng malilipatan. Malayo din kasi ang bahay ni Bianca." Hindi na ako nakaimik. Malayo din nga bahay ni bff. Paglabas ng hospital ni Nanay ay dito na kami dinala ni Glaiza, nasabi niya na sa condo kami titira pero tumanggi kami ni Nanay at nagdahilan na lang, kalabisan na para sa akin yon. Kahit sabihin pang kami na. Hindi talaga ako makapaniwala na girlfriend ko na siya. Naglulukso ang puso ko tuwing naiisip ko na andito na siya sa tabi ko. Mula ng lumabas ako ng hospital ay si Nanay naman ang inasikaso niya. Hindi niya kami iniwan.

"Ok na sa'yo anak?" Gising ni Nanay sa akin.
"Nakangiti ka na eh." Salita niyang muli, naku napaghahalata na talaga ako.

"O sige po, Nay. Pansamantala lang naman."

"That's good." Ngiting sabi ni Glaiza. "Halina na po kayo hatid ko na kayo sa rooms niyo." Naglakad na kami at hinatid kami ni Glaiza sa 2nd floor ng bahay kung saan may 2 kwartong magkatapat. "You can choose any room. Matagal ng walang nag stay dito pero may nagaasikaso naman, stay out siya pero kung gusto niyo pwede naman siyang mag stay in kasi may maliit na kwarto sa baba para kay Mia."

"Hindi na kailangan, Glai. Kaya na namin ni Nanay."

"Hindi ka pa gaanong malakas and si Tita hindi kailangan magkikilos."

"Pero Glaiza, kaya ko namang..." Si Nanay.

"Please Tita ngayon lang naman po eh." Pilit ni Glaiza saka hinawakan ang kamay ko. "Please Love, let Mia assist you until fully recovered ka na at si Nanay, si Tita..." Parang nagulat niyang bawi.

"Baka masanay ka na sa kaka Love mo ha." Komento ko.

"So? Tayo na dba? Ayaw mo ba na tawagin kitang Love?" Pacute niyang tanong. Pero pinandilatan ko lang siya ng tingin. Natatawang naiiling lang si Nanay.

"O siya sige, anak. Basta pag malakas na kami ay kami ng bahala dito sa bahay ha?" Ulit ni Nanay at mabilis na tumango si Glaiza. "Halika ka na anak." Yaya ni Nanay sa akin sa kabilang kwarto.

"Baka mapagod po kayo sa hagdan dito, Tita. Mas maganda sana kung sa condo na po kayo walang second and third floor. "

"Malaki na nga ito Anak. Tsaka kaya na naming mag ina dito kesa sa mataas na bahay. Tulad ng sabi ko hindi ako sanay sa ganon." Ngiting sabi ni nanay, sabi ni Bianca sinamahan na sila ni Glaiza sa condo para ipakita ang lilipatan nila. Mataas ang lugar at maluwang. Nagdahilan si Nanay na hindi siya sanay sa ganong lugar o tirahan, sinabi niya yon upang hindi na magpilit si Glaiza pero hindi naman namin alam na may iba pa pa lang siyang tirahan, kaya wala na din kaming nagawa. Hindi na kami makatanggi. Kukulitin lang kami ni Glaiza.

"Kung diyan po si Rhian, Tita. Dito na lang po kayo. Tutal magkatapat lang naman po." Ngiti nitong sabi.

"O sige, salamat, Glaiza anak." Sabi ni Nanay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RASTRO/JATHEA Short Stories.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon