Bus (3)

896 90 23
                                    

"Andito ka nanaman?"

"Gusto ko lang malaman kung nasaan siya..."

"Sorry, Miss Glaiza. Pero kahit sabihin ko sa'yo malamang wala na siya sa tinutuluyan nila ngayon at bumaba na ng Manila."

"Bakit?" Kulit ko muli. Inabangan ko na siya sa labas ng restaurant dahil buong maghapon niya akong hindi pinapansin. But I persisted and I can't understand myself because I'm not the kind who have patience over something.

"Ano ka ba talaga niya?" Taas kilay niyang tanong.

"Sabi ko nga sa'yo kaibigan niya ako. I'm just a concern friend." Patotoo ko. "Lalo na at sinabi mong magpapa opera siya."

"Kung magkaibigan kayo bakit hindi mo man lang alam ang number or bahay niya?" Duda niya.

"Dahil hindi ako nagkaron ng pagakakataon..."

"So kailan lang kayo nagkakilala?" hindi na ako nakasagot. Kailan lang ba? Two days ago? Ganon lang kadali pero kung umasta ako daig ko pa ang..."Kung umasta ka para kang iniwanan ng jowa." dugtong niya na parang nabasa ang isip ko.

"Anong ibig mong sabihin?" curious kong tanong.

"Mabuti pa para patahimikin mo lang ako ibibigay ko sa'yo ang number ng bestfriend niya at siya ang kausapin mo. Dahil kahit pigain mo ako wala kang makukuhang information sa akin, girl." Sabi niya at saka ko lang naalala ang cellphone ko na hindi ko hawak.

"N-naiwan ko cellphone ko sa hotel." nahihiya kong sabi at umiling siya.

"Hay naku isa ka ring misteryosong tao." sabi nito habang kinuha ang cellphone sa likod ng bulsa at nagsulat sa papel na hawak niya.

"Thank you so much..." Ngiti kong sabi sa kanya habang iniaabot niya ang papel sa akin.

" Tingin ko naman mabuti kang tao pero nangako ako kay Rhian." Malungkot ngunit nakangiti niyang sagot at nagpaalam na.

- - -

As I turned on my cellphone sunod sunod ang dating ng mga messages nito at alam ko kung kanino nanggaling. For two days hindi ko man lang naisip na buksan ang cellphone ko. I know it's wrong to keep my family worried but they know me so well and understand my stubbornness. Binabasa ko pa ang mga messages ni Mama nang nagring ang cellphone ko.

"Salamat sa Diyos at natawagan din kita. Anak, bakit mo kami pinag aaalala ng ganito? Hindi mo ba alam na ilang araw na akong hindi makatulog?" Halos naiiyak ng sabi ni Mama.

"S-sorry, Ma. It won't happen again. Sorry po talaga." Tanging nasabi ko at biglang natahimik ang nasa kabilang linya. "Ma?" Tawag ko.

"Anak? Ayos ka lang ba? Nasaan ka?" May pagtataka sa boses niya.

"Yes, Ma. I'm good. I'm going home tomorrow morning." Mahina ko pa ring boses. Nanibago ang Mama, dahil sa tuwing nawawala ako at tatawagan nila ay nagmamatigas pa ako pero ngayon pati ako nagulat sa mga lumalabas sa bibig ko.

"Sabihin mo Anak kung nasaan ka at pasusundo ka ng Papa mo." Nagaalalang boses ni Mama.

"No need, Ma. I can manage to go home. I'll be there before dinner tomorrow." Paliwanag ko.

"Sabi mo uuwi ka na bukas ng umaga? Bakit hapunan ka pa darating. Gaano ka ba kalayo ngayon?"

"Not that far, Ma. Pero uuwi na po ako talaga. And sorry po ulit at pinag alala ko kayo lahat. Please tell Papa, pati na rin po kina ate at kuya." Hindi agad sumagot si Mama.

"O siya sige, hindi na kita kukulitin. We'll wait for you tomorrow at dinner, ok?" Tanging nasabi niya.

"Yes, Ma."

RASTRO/JATHEA Short Stories.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon