1st Duty

1 0 0
                                    

"2 days history of moderate to high grade fever accompanied by productive cough and headache. Took paracetamol w/c afforded temporarily relief."

Nasa Conference Room kami ng hospital ng Station I para sa patient's endorsement.

"Patient's IVF." Sabi ni Doc.
"D5LR 1L infused at 3am, regulated @ 26gtts/min to run in 13hrs."
"Okay."

Inilapag ni Doc ang chart ng pasyenteng in-endorse ko at kumuha ng bagong chart. Usually 1 hr kaming nag-eendorse, kasi pagpatak ng 8am, si Doc na ang magra-rounds kasama ng Chief Nurse at Head Nurse. Kaming mga Staff Nurse at mga Volunteer Nurse ay naiiwan sa Nurse Station para magprepare ng mga gamot.

Isa ako sa mga Staff Nurse dito sa UCD Hospital, isang Private Hospital na kilala dito sa siyudad. Mag-iisang taon na din ako next month. Experience lang naman kasi ang kelangan ko para makapag-abroad na ako. Actually may apply na ako sa Dubai, kaya pursigido akong matapos ito.

"Nurse Jin, pakiprepare naman ng PNSS 1L."
"Yes Ma'am Bevs."
"Pakidala na din 'yan sa Pedia, kay Nurse Alex. Thank you." pagkasabi niya ay agad siyang umalis.

Kinuha ko naman 'yung IV fluid at nagpaalam muna ako sa mga kasamahan ko na pupunta muna ako sa Pedia.

Sa 2nd floor pa iyon kaya nag-elevator na ako. Pagdating ko ay naabutan ko lang 'yung isang Nurse.

"Excuse me Ma'am, si Sir Alex po?"
"Nagra-rounds pa kasama ni Doktora. Bakit?"
"Pinabibigay po ni Ma'am Bevs. Eto po ata 'yung request na dextrose."
"Ah sige malapit na din sila, pakihintay na lang ha kasi may gagawin pa ako at hindi ko iyan maaasikaso."
"Sige po Ma'am."

Nasa loob ako ng Pedia Station at binabasa ang ilang chart.

"Miss?" napa-angat ako ng tingin.
"Yes Sir?"
"Sa Station 1 ka 'di ba?"
"Ah opo, hinihintay ko lang po si Sir Alex." ibinaba ko ang hawak kong chart.
"Ako si Alex."

Agad akong napatigil at tinignan ang nameplate na nakasuot sa kaliwang bahagi ng kanyang uniform.

Espartinez, Alex C, RN

Siya na nga.

"Ah sorry Sir. Eto nga po pala 'yung pinaabot ni Ma'am Bevs." iniabot ko sa kanya 'yung dextrose.

"Thank you." pagkasabi niya ay umalis na ako at bumalik sa station namin.
***

"Nurse Em and Nurse Jin, sa Pedia ang duty niyo next week."

Agad kaming napalingon ni Em. Oo nga pala, nasabi na din sa'min ito ng Chief Nurse. Pero di ko akalain na sa Pedia pala ang huli kong station.

"Yes Ma'am." sabay naming sabi ni Em.

Nilapitan ako ni Em pagkaalis ni Ma'am Bevs.

"Buti na lang sa Pedia ang next duty natin."
"Bakit naman?"
"Cute kasi ng Head Nurse do'n."

Napaisip ako sa pinagsasabi nitong kasama ko. Cute? Sino?

"Si Sir Alex kaya! Ang bait bait nga niya tapos cute pa. Ay hindi lang basta cute, gwapo siya. As in! Grabe, almost perfect." Sabi niya habang kinikilig. Napailing na lang ako. Nakita ko na 'yung Alex. Siya pala yung Head Nurse
do'n. Ang totoo niyan, ang dami kong naririnig sa iba na matalino at mabait
daw yung Alex.

Hindi ko naman akalain na gwapo din pala iyon.
Okay, inaamin kong gwapo siya.

"IV infusion, Room SP5."
"Yes Ma'am!" Agad naman akong kumuha ng dextrose at dinala sa pasyente
sa Room SP5.


Nandito kami ngayon ni Em sa Pedia, nagrereport na kasi kami dahil on
Monday, dito na ang station namin.

"Okay Ma'am. Eto po 'yung schedule of duties niyo for 2 weeks. Tapos si Sir
Alex na daw po ang magbibigay ng schedule niyo for the last 2 weeks."

Kinuha namin 'yung schedule na inaabot ng Nurse at nagpasalamat. Umalis
na din kami at nagderetso sa canteen.

"Anong sched mo Jin?" Tanong sa'kin ni Em.
Binasa ko muna 'yung nakasulat bago sabihin sa kanya.

"6am-2pm sa first week. 7pm-3am naman sa 2nd week. Sa'yo?"

Kinuha niya agad ang papel sa'kin at pinagkumpara ang nakasulat.

"Parehas tayo sa 1st week. Sa 2nd week magkaiba na. 7am-3pm ako. Haayy
naku."

Magkaiba nga. Tinignan ko naman siya at tinawanan.

"Akala mo naman madali ang night shift? Boring kaya." Tumingin siya sa'kin,
at maya-maya pa ay sabay na kaming tumatawa.

"Sabagay. Kain na tayo." Sabay kaming tumayo at pumila sa counter.

"Sabay tayo umuwi sa dorm ha."
"Sige." Sagot ko habang namimili ng oorderin.

Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon