3rd Duty

1 0 0
                                    

"Opo Tita. Isang buwan na lang po ako sa ospital.

(Naasikaso mo na ba ang papers mo?)

"Oo naman Tita. Tsaka napaghandaan ko na 'to."

Kasalukuyan kong kausap sa cellphone si Tita, kapatid ni Mama. Siya kasi ang tumayong nanay sa amin ng kapatid ko.

(Alam ba ito ng Papa mo?) Saglit akong natigilan. Nagpalipas pa ako ng ilang segundo bago sumagot.

"Alam niyo naman na kahit nasaan si Papa, susundan ko pa din siya."

Ilang minutong hindi nagsalita si Tita sa kabilang linya. Naiintindihan ko naman siya.

"Tita, alam kong ayaw mo. Promise, isang taon lang. Basta makita ko lang si Papa doon."

(Ikaw ang bahala Jin.)

Naputol na ang linya. Napabuntong-hininga na lang ako. Ayaw naman talaga ni Tita na sundan ko si Papa sa Dubai. Ako lang itong mapilit. Hindi lang kasi trabaho ang habol ko sa Dubai, gusto ko din makita si Papa. Matagal nang hiwalay ang mga magulang ko. Nasa high school pa lang ako nung nalaman kong nag-abroad si Papa. Si Tita na ang nag-alaga sa'min ng kapatid ko, si Mama kasi..

Nasa malayo.

Pero nung nag-college ako, sinuportahan ni Papa ang kurso ko. Tuwang tuwa talaga ko kasi akala ko wala na siyang pakialam sa'min. Laking pasalamat talaga ako sa kanya nang makatapos ako dahil sa suporta niya. Hindi ko alam noon ang dahilan ni Papa kung bakit siya umalis, pero ngayon, naiintindihan ko na. Kaya after ko matapos ang kontrata ko, pupuntahan ko na si Papa. Para makapagpasalamat ako sa tulong niya.

"Jin! Lumabas ka nga dyan!" Ay pusa! Ano ba 'yun?

Lumabas ako ng kwarto para lang makita si Em na nakalupasay sa sahig habang nakasalong-baba.

"Problema mo?" Tinignan niya ako at saka siya tumungo.

"Help naman friend. Di ba marunong ka mag-hair dress at make up?" Nanigas ako sa sinabi niya. Hair dress? Make up?

"H-indi." sagot ko sabay talikod.

"Jin. Alam ko namang may talent ka dun. Please tulungan mo naman ako. Next next week pa naman 'yon." Humarap ulit ako sa kanya.

"Oh edi magpaparlor ka. Problema ba 'yon?"

"Problema nga dahil wala na akong time kung magpaparlor pa ako. Ang sabi kasi ni Mommy susunduin nila ako para sabay-sabay kami sa simbahan. Please, ikaw na ang mag-ayos sa'kin, 6pm dapat nandoon na kami. 3pm pa ako mag-a-out sa duty e kaya wala talaga akong time."

Napabuntong-hininga ako. Ang tagal kong hindi nakakahawak ng mga cosmetics bukod sa lipgloss. Ang tagal kong pinigilan ang sarili ko na huwag gumamit at humawak nun. Pero ngayon, wala akong pagpipilian.

No choice. "Okay. Pero first and last mo na 'to ha." Sabi ko sabay lapit sa kanya. Niyakap naman niya ako ng mahigpit.

"Thank you Jin! Promise first and last na 'to."

Hindi ko naman siya matitiis. After all, wala din naman siyang ibang mahihingian ng tulong kundi ako. Nasa province kasi parents niya, at kagaya ko tinatapos na lang din niya ang kontrata niya. Pero hindi katulad ng dahilan ko kaya niya gustong matapos. Gusto na niya makauwi at doon magtrabaho malapit sa kanila, malapit sa pamilya niya. Sweet niya 'no?

***

"Jin tara na. Baka ma-late tayo sa duty!"

"Eto na nga e. Tara!" Sabay kaming umalis para pumasok sa duty. Pagkadating namin ay agad kaming nagpunta ng locker bago sa Pedia Station para maibaba namin ang aming gamit.

"Reyes, Trina?"
"Sir." Nag-aattendance na pala ng mga volunteer. Buti umabot kami.

"You two." Sabi sa'min ni Sir Alex. Tinignan niya ako na para bang may mali sa'kin.

"Wear your nameplate." At instant akong napatingin sa uniform ko para i-check ang nameplate ko.

"Sorry Sir." Agad akong nagpunta sa locker para kunin ang nameplate ko.

Pagbalik ko ina-assign na 'yung assigned Nurse sa bawat room ng pasyente.

"Nurse Em on Room PR2 together with Nurse Rob."

"Yes Sir." Tinawag pa 'yung ilang Nurse bago ako.

"Nurse Jin on Room PR9 together with.." hindi agad naituloy ni Sir. Hinahanap pa siguro kung kanino nakaassigned 'yung PR9.

"Together with me." bahagya akong nagulat pero hindi ko iyon pinahalata. O-kay? Sa kanya pala nakaassigned.

"Okay Sir." wala akong masabi. Ibinigay na din ang chart ng mga patient sa amin at kanya kanya na din kami ng review.

Maya-maya ay sinabi ni Sir Alex ang dahilan kung bakit lahat ay pairing kasi bata ang pasyente namin at maselan ito. That's true. Nilingon ko si Em na panay ang ngiti. Kinikilig 'to alam ko. Crush kaya no'n 'tong si Sir Alex.

After namin sa conference Room ay nagrounds na kami para makilala namin ang aming pasyente.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon