Sorry
Sa bilyon-bilyong tao dito sa mundo, paano mo malalaman kung ang isang tao, siya na pala yung soulmate mo? Nakakapagpaisip. Naiisip ko na nasan kaya siya sa oras na to? Nasa kabilang panig ba ng mundo? Ng Pilipinas? O malapit lang sakin?Kilala ko ba siya? Nakita ko na ba siya o hindi pa? Nakausap ko na ba siya? Nakasalubong ko na ba siya? O malayo siya mula sa kinatatayuan ko ngayon? Walang makakapagsabi. Kaya para sakin ay go with the flow lang. Kung iibig ka hindi mo naman mapipigilan ang nararamdaman mo kaya ituloy mo lang. Malay mo siya na pala.
Nandito ako ngayon sa bookstore. Katatapos ko lang kumain ng tanghalian at may kaunting tao din ang nandito ngayon sa loob para magbasa at bumili."Thank you." Sambit ko bago sila lumabas ng pinto na nasa tabi lang ng counter kung san ako parating nakapwesto.
Ang sabi nila, malumanay o mayumi raw ako magsalita at di-makabasag pinggan. Tahimik at hindi pala-salita. Ganito naman talaga ko simula pagkabata. Pero hindi naman ako mahiyain gaya ng iniisip nila. Lalo na kapag kumportable ako sa isang tao. Hindi ako nahihiyang sabihin ang anumang gusto ko.
Muling bumukas ang pinto. Saglit akong nanigas sa pwesto ko nang tumingin siya sakin.
"Hi Grace." Bati niya ng nakangiti.
Dalawang buwan na mula nang huli ko siyang makausap at makita. Ang araw na yon ang paghihiwalay namin. Hindi ko makalimutan yon dahil masyadong naging masakit. Lalo akong nanliit sa sarili ko. Pakiramdam ko wala akonv kwentang tao.
Nakipag-break si Enzo sakin dahil nakakasawa at boring daw ako. Dapat daw ay hindi na niya ako pinag-aksayahan ng panahon. Hindi ako nakasagot sa kanya kahit isang salita dahil alam kong tama lahat ng mga sinabi niya. Wala akong karapatang mag-demand. Ganito lang naman ako, pangit pa ako. Pinunasan ko nalang ang mga luha ko at tumalikod sa kanya saka ko naglakad palayo. Hindi ko naman na siguro kinailangang magpaalam pa dahil sapat na ang mga sinabi niya. Siyam na buwan lang ang itinagal namin pero naging espesyal pa din yon sakin. Minahal ko si Enzo, sobra.
"Dumaan lang ako to buy some books. Para sa girlfriend ko, last year pa lang niya sa college e." Dugtong niya tila nang-aasar.
Sa mga ganitong pagkakataon, bakit hindi ko makuhang magsalita ng diretso? Ng mabilis. Para hindi ako magmukhang kawawa.
"S-Sige lang. Kuha ka na." Tanging nasabi ko. Ngumisi lang siya at umalis na sa harap ko. Napatungo ako at hindi ko na naintindi ang mga taong pumapasok.
"Miss eto lang."
Hindi na din ako nakapag-thank you sa ilang mga nagbayad dahil wala ako sa sarili. Lihim kong inaaway ang sarili ko ngayon para umayos dahil oras ng trabaho. Pero dahil sa nandito si Enzo sa loob ng apat na sulok na to, hindi ako mapakali.
"Grace oh." Kinagat ko ang labi ko nang muling dumating si Enzo dala ang dalawang libro. Tungkol ito sa business management. "Magpaganda ka nalang Grace para makahanap ka na ng bagong boyfriend. I'm sure sa kilos mo ngayon, you're not over me. I'm sorry." Umiwas ako ng tingin. Paano niya nasasabi sakin yan?
Gusto ko na lang maglaho bigla. Napatingin naman ako sa lalaking nakapila sa likod lang niya. Nakakiling ang ulo niya habang nakatingin sakin. Nakakahiya na narinig niya pa iyon. Lumunok na lamang ako para mapigilan ang maiyak.
"One thousand forty pesos and seventy five centavos lahat." Wika ko.
Muli akong tumingin sa lalaki sa likod ni Enzo dahil nakatingin pa din siya sakin at nakanguso na parang may iniisip. Nakikinig siya sa usapan namin ni Enzo. Imbes na mainis ay nahihiya lang ako. Hanggang sa lumapit siya kay Enzo at inakbayan ito.
BINABASA MO ANG
See You Someday [ON-GOING]
RomanceDo you believe in destiny? Or do you believe that you make your own story? "To my soulmate, see you someday." -Grace "To you A, see you someday." -Ivan