few more months
Grace's POV
Palagi kong iniisip na hindi ako yung tipong gugustuhing makasama ng isang barkada. Hindi ako yung tipo ng kaibigan na lagi mong isasamang lumabas para gumala. Kasi ganoon naman talaga lahat ng mga naging kakilala ko mula elementary hanggang college. Walang may gusto na makasama ako parati. Kasi boring raw ako. Gaya na lang ni Enzo nang iwan niya ko. Pero ngayon, mukhang kahit papaano ay meron nang gusto ako bilang isang kaibigan.
"Grace, favor naman. Bili ka ng lunch natin dyan sa food park. Treat ko ulit." Nakangiting sabi ni Ma'am Cristine at agad naman akong pumayag.
Dahil alam ko na ang usual na binibili ni Ma'am ay mabilis akong nakapili.
"Eto po sukli."
Binilang ko ang ibinigay saking pera pagkatapos ay nagpasalamat din ako sa waitress. Hindi ko naman pera to kaya dapat tama ang ibabalik kong pera kay Ma'am.
Habang naglalakad ako ay napukaw ng isang sasakyang dumadaan ang atensyon ko. Tama ako dahil si Ivan nga yon. Nakabukas ang bintana ng driver's seat kaya kitang kita ko siya.
Pero bakit mukha siyang problemado? Nakakunot ang kanyang noo tila stressed. Narinig at nakita ko pang naiinis na bumusina siya nang bumagal ang takbo ng nasa unahan niya. Pagkatapos ay mabilis nang dumiretso ito palayo kaya hindi ko na siya nakita pa. Ano kaya kung kamustahin ko siya?
"May bisita na naman ako ah?" Nakataas ang kilay na salubong sakin ni JC.
"Ikaw pa." Ngumiti ako. "Ah nakita mo ba si Ivan?" Tanong ko pero napawi ang ngiti ni JC at napaltan pa ng isang ngiwi.
"Leche kang babae ka kunwari ka pa. Si Papa Ivan naman pala ang sadya." Pang-iirap niya. Napanguso na lang ako habang nilalapitan siya kaya lang lumalayo siya at nagkukunwari pang galit.
"Don't touch me. No! I said don't touch me!" Tumawa ako sa pagsigaw ni JC. Ni hindi ko naman siya dinadaitan e.
Nandito kami ngayon sa canteen ng ospital para bumili ng meryenda ni JC. Binibigyan niya ako pero tumanggi na ko dahil busog pa naman ako saka alam kong gutom na gutom siya dahil sa pagod.
"Stressed ang mga papa doc ngayon kasi sobrang busy na ng mga resident doctors mula kahapon. You know... Mahirap ipaliwanag e." Pagkukwento ni JC.
"Kaya pala." Tanging nasabi ko.
"Sinisipon ka ba? Kanina ka pa singhot nang singhot beshy nakakarindi na ha."
Sinamaan ko siya ng tingin pero habang nakangiti kasi natawa ako sa sinabi niya. Palagi na lang niya akong inaasar.
"Dahan-dahan sa pagkain." Wika ko.
"Nakabalik na nga pala si Doctor Cabrera. Si Janus. Ayun, saved by his dad na naman. May koneksyon kaya naman wala lang yung binalak niya kay Ivan. Bawal na bawal kaya yon." Umiirap niyang pagkukwento. "Pero next week daw, lilipat siya sa Maynila."
"Wala man lang hustisya." Sagot ko at uminom ng juice.
Maagang nag-out si JC. Sinamahan niya ako para bumili ng bago kong cellphone. Yung luma ko kasi nahulog noong nasa Maynila kami ni Ivan. Yun yung nahuli kami nung mga lalaking pumatay sa babae. Ang sasama nilang tao.
BINABASA MO ANG
See You Someday [ON-GOING]
RomantizmDo you believe in destiny? Or do you believe that you make your own story? "To my soulmate, see you someday." -Grace "To you A, see you someday." -Ivan