Love? ito yung nararamdaman natin sa isang tao na kung minsan hindi na natin alam kung ano ang gagawin natin kapag nandyan na siya.Yung tipong mapapanganga kana lang dahil sa kapogihan niya.Yung tipong tititigan mo siya ng kaytagal dahil ayaw mong mawala siya sa paningin mo.Ganyan na ganyan yung naramdaman ko simula nong nakita at nakilala ko si Joshua Lavenya.And then I feel inlove to the extremely and lovingly guy that i never expected to love him back.
"Leyna bangon!! na lunes ngayon"ang malakas na pag gising sa akin ni mama.
"Opo mama babangon na po" sabi ko naman.
Pagkarating na pagkarating ko sa school ay nag kwe kwentuhan na kami agad.
"Ate Jane may sasabihin ako sayo" sabi ko sa kanya.
"Oh ano na naman yan Ley?" tanong niya sa akin.
Si ate Jane ay isa sa pinaka mabait na naging kaibigan ko.Siya yung palaging pinag sasabihan ko tungkol sa Ultimate Crush ko.
"kasi nga nakita ko na naman si kuya Josh sa junction nong friday"sabay hampas ko kay ate jane kasi kinikilig ako.
Hindi ko talaga mapigilang hampasin si ate Jane, ganun kasi talaga ako mag kwento kapag tungkol na kay kuya Josh kikiligin at kikiligin ako.
"Eh? tapos anong nangyari?"tuwang tuwa niyang tanong
"syempre pasimple ko nanaman siyang tinitigan ah?" sagot ko naman.
Habang gumagawa ako ng assignment,meron na lang biglang pumasok sa isipan ko.At yun na nga, kumuha ako ng isang notebook at napag isipan ko, dito ko lahat isusulat ang mga pangyayari tungkol kay kuya Josh.Dito ko lahat ibubuhos ang sayang mararamdaman ko kapag makikita ko siya.
At isang gabi habang nag fa facebook ako meron na lang nag chat sa akin."Hi"
Oh my goodness!!!Hindi ko alam yung gagawin ko noong time na yun.Ikaw ba naman?i chat ka ng Ultimate crush mo diba?At habang nag ta type ako ay nanginginig yung kamay ko.
"Hello kuya"
"Diba ikaw yung nakatabi ko nong friday sa sasakyan"? tanong niya sa akin
"Uhmm oo kuya"chat ko naman sa kanya.
Ganito pala yung feeling na ma chat mo si Ultimate crush.Hindi ka makatulog at siya na lang palagi ang laman ng isip mo.Ganun talaga siguro kapag inlove noh?Maba blanko at maba blanko ka.
BINABASA MO ANG
The Story of Us
Teen Fictionthis is a true story na nagkagusto sa isang lalaki at Hindi nya inakalang magiging close sila...☺😆